ni Anthony Servinio @Sports | December 3, 2023
Ipinagpatuloy pa rin ng mga upcoming volleyball star na sina Teegan Van Gunst at Kimberly Hildreth ng United States ang pagpapakitang gilas bilang top-ranked bets s papasok sa quarterfinals ng Volleyball World Beach Pro Tour Challenge women’s division kahapon sa world-class Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa City, Laguna.
Madaliang nanalo ang Americans, ranked No. 80 sa buong mundo pagkapasok sa qualifying round, nang gitlain ang world No. 25 Niina Athtiainen at Taru Lahti-Liukkonen ng Finland sa Round of 16 sa nakagigitlang 28-30, 21-18, 15-11 reverse sweep para makasampa sa quarterfinals.
Kinailangan nina Gunst at Hildreth na manguna sa 32-team qualification para tuluyang makasampa sa 24-team main draw kung saan sila tumapos na segunda sa pool play para magmartsa sa susunod na round.
Kabilang sa panalo nila sa main draw ang inspirational 21-15, 21-14 win kontra home bets Jen Eslapor at Floremel Rodriguez, napapabilang sa pinakamababang ranked na team sa quarterfinals ng pinakamalaking beach volleyball event na inorganisa ng Pilipinas sa likod ng liderato ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.
Haharapin ng American ang isa pang top team na world No. 13 Taina Silvi Bigi at Victoria Lopes Pereira Tosta ng Brazil. Pinakapos ng Brazilian tandem sina Heather Bansley at Sophie Bukovec ng Canada, 21-17, 21-16 sa isa pang Round of 16 pairing.
Ang iba pang quarterfinal brackets ay ang world No. 14 Anastasija Samoilova at Tina Graudina ng Latvia laban sa world No. 18 Terese Cannon at Megan Kraft ng United States at world No. 21 Daniela Alvarez Mendoza at Tania Moreno Matveeva ng Spain kontra world No. 24 Taravadee Naraphornrapat at Worapeerachayakorn Kongphopsarutawadee ng Thailand.
Comments