ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 3, 2025
Photo: Rhen Escaño - Instagram
Bilang ambassador ng CC6 Online Casino and FunBingo, nilinaw ni Rhen Escano na hindi niya sinasabing hindi masama ang magsugal.
“Hindi ko po sinasabi na walang masama sa online gaming. Hindi ‘yun ‘yung unang words na maririnig nila sa ‘kin,” paliwanag ng sexy actress sa mediacon and contract renewal niya sa CC6 and FunBingo na ginanap last Friday.
“Lagi kong sinasabi na okey lang ‘yan pero may part d’yan na ‘di na magiging okey - ‘pag hindi ka na nakukuntento,” aniya.
“Learn how to stop. Eto, dapat for fun ‘to, dapat makakatanggal ‘to ng stress sa ‘tin ‘pag masyadong heavy ‘yung work load, ‘pag masyado tayong stressed. Hindi siya dapat nagiging cause ng stress,” dagdag pa niya.
Paniniguro pa ng sexy actress, “Hindi ako magiging cause ng downfall ng isang tao just because mayroon akong ini-endorse na casino game. Doon pa rin tayo sa ano, may good cause dapat.”
Samantala, masayang-masaya si Rhen na sa pagpasok ng 2025 ay panibagong blessing agad ang dumating at ito nga ay ang pagre-renew niya ng kontrata sa CC6 and FunBingo.
Matatandaang noong nakaraang taon, sa ganito ring buwan ay ini-launch si Rhen bilang ambassador ng nasabing online gaming.
Sa pagre-renew niya ngayon, ibig lang sabihin na effective siyang endorser, ‘di ba naman?
Very fulfilling para kay Rhen ang pagiging Ambassador niya ng nasabing online gaming dahil sa charitable activities na isinagawa nila.
Gaming na may puso ang slogan ng CC6 dahil hindi lamang gaming ang kanilang focus kundi layunin din nilang tumulong sa mas nangangailangan.
Ilan sa mga charities na kanilang isinagawa ay ang pamamahagi ng grocery items at merchandise sa mga biktima ng landslide at pagbaha sa Davao del Norte at Marikina, bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, feeding programs sa Makati, Cavite, at Manila, upang suportahan ang mga nangangailangan at pagbibigay ng tulong sa mga batang may kapansanan, upang mapadali ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
Nagbigay din sila ng suporta sa mga katutubong estudyante na Aeta sa Bataan, upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon. At nagsagawa ng tree planting sa Rizal, Antipolo, upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.
Bumisita at nagbigay din sila ng tulong sa mga batang kababaihan na minaltrato sa Bulacan, kung saan doon mismo nagdiwang ng kanyang kaarawan si Rhen at marami pang iba.
Kahapon, February 2, 2025, ipinagdiwang ng CC6 at FunBingo ang kanilang 7th anniversary at bilang pasasalamat, mamimigay sila ng P77 bilyon mula sa CC6 at P27 bilyon mula naman sa FunBingo.
Bukod dito, magdadagdag sila ng mga bagong features upang lalo pang mapaganda ang gaming experience.
Mas pinalawak din ang affiliate program upang bigyan ng mas maraming earning opportunities ang mga users ng Ang Kinabukasan ng CC6 at FunBingo.
Kasama ang events team na pinamumunuan ni Ms. Dhevy Sahagun, B’Vibes Entertainment Production at ang JAF Digital Group, nangangako ang CC6 at FunBingo na patuloy na magbibigay ng tulong at pag-asa sa ating komunidad.
Ang CC6 Online Casino, na may 700,000 daily active users, ay kinilala bilang “Most Trusted Online Casino” at “Top Responsible Gaming Platform.”
Samantala, ang FunBingo, na may 40,000 daily users, ay ginawaran ng “Outstanding Community Service Award” dahil sa patuloy nitong adbokasiya sa pagtulong.
Parehong PAGCOR-certified ang CC6 at FunBingo at kinikilala rin ng Malta Gaming Authority at Gaming Curaçao.
Comments