ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 24, 2023
Kinumpirma ng mga security adviser ng United States at Pilipinas noong Lunes ang alyansa ng dalawang bansa matapos ang mga mapanganib na aksyon ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni US National Security Advisor Jake Sullivan na siya'y nakipag-usap sa telepono kay Philippine National Security Advisor Eduardo M. Año at muling ipinaabot ang suporta ng United States para sa mga kaalyadong Pilipino.
"Mr. Sullivan and Mr. Año reaffirmed the enduring alliance and friendship between our nations and discussed upcoming U.S.-Philippine engagements and ways to further strengthen our close partnership," saad sa isang pahayag mula sa White House.
Mababasa rin sa pahayag, "Mr. Sullivan emphasized the ironclad U.S. alliance commitments to the Philippines under the U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty, which extends to armed attacks on Philippine public vessels, aircraft, and armed forces—to include those of its Coast Guard—in the Pacific, including in the South China Sea."
Unang inihayag ng United States na suportado at kaalyado nila ang Pilipinas, at sinabing nilabag ng China ang international law sa pamamagitan ng intensyonal na pakikialam sa kalayaan ng Pilipinas na lakbayin ang mga karagatan.
Comments