top of page
Search
  • BULGAR

ALVIN, NO REGRETS NA 'DI SILA NAGKATULUYAN NI KRIS

ni Mercy Lejarde - @Talkies | May 5, 2022



Tatlo o apat na ex-BF pala ni Kris Aquino ang kumakandidato this coming May, 2022 elections.


Una, si Herbert Bautista for Senator. Second si James Yap na ama ng second child ni Krissy na si Bimby. James is running for councilor sa San Juan.


Third ay ang former PBA superstar na si Alvin Patrimonio who's running for Cainta, Rizal mayor with former broadcaster Mon Ilagan as his running vice-mayor.


Si Robin Padilla naman ay running for senator. Teka, naging ex nga ba ni Kris si Robinito, ha, Ateng Janiz? (Nemen, Tamers! Kahit itanong pa natin kay Mariel, char! — JDN)


'Niwey, natanong nga ni yours truly si Alvin Patrimonio kung naniniwala ba siya na ang bawat tao ay may kani-kanyang kapalaran (na puwedeng lagyan ng background music that goes… Kapalaran 'di mo man hanapin ay kusang dumarating… na base sa pinasikat na awiting Kapalaran ni Rico J. Puno).


Sagot ni Alvin ay oo naman daw, 'coz ang una niyang naging kapalaran ay maging sikat na basketball player.


'Yun nga lang, sundot ni yours truly, hindi niya naging kapalaran ang unang ex niya na si Kris Aquino, na ikinatawa with matching kantiyaw ng mga baklitas na nakasama namin sa preskon nina Alvin at Mon, kasi may kasunod pang hirit na tanong si yours truly — kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Kris at nagkaanak.


Tipong hiyang-hiya at nag-blush-blush ang fezlak ni Alvin with matching natatawang dialogue na “Very nice question, Tita, pero nakaraan na po 'yun. Move on na tayo. 'Andiyan po ang misis ko na si Cindy at dalawa kong anak. Sila po ang aking naging kapalaran para makasama habambuhay bilang isang pamilya.”


In pernes, bilang former basketball star ay talagang ang galing-galing niyang mag-shoot-shoot dahil guwapo at magaganda ang naging anak nila ni Cindy na very pretty naman kasi in person and in photos, sa true lang, Krissy.


Siguro, nu'ng dalaga pa si Cindy ay tipong puwedeng isali sa mga beauty pageants. 'Yun nga lang nasungkit agad or na-shoot the ball agad siya ni Alvin para maging Mrs. Alvin Patrimonio na puwedeng ang maging theme song nila ay 'yung kantang may lyrics that goes…. "You are my destiny…. you are what you are to me…”


Sey mo, Krissy?


For sure, ang isasagot ni Kris ay… "Past is past na.”


Oo nga naman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page