ni G. Arce @Sports | February 2, 2024
Mga laro ngayong araw (Biyernes)
(FilOil EcoOil Centre)
11 a.m. - UE vs FEU-D (Boys' Final Four)
1 p.m. - NUNS vs FEU-D (Girls' Stepladder First Round)
3 p.m. - NUNS vs UST (Boys' Final Four)
Pumalo ng mahahalagang puntos si University of Santo Tomas Junior Golden Tigresses team captain Margaret Altea upang siguraduhin ang 2nd seed at panigurong bronze medal matapos lampasan ang defending champion na National University Nazareth School sa iskor na 23-25, 25-19, 25-21, 17-25, 15-11, Miyerkules sa 86th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) High School Girls volleyball tournament sa Adamson Gym sa San Marcelino, Ermita, Manila.
Kinakailangan na lang na maghintay ng Espana-based girls squad sa magwawagi sa biniktimang Lady Bullpups at FEU-Diliman Lady Baby Tamaraws sa Biyernes, bandang 1 p.m. sa FilOil EcoOil Center para sa kanilang semifinals knockout match upang makuha ang karapatan na makalaban ang unbeaten at top-seed finalists na Adamson University Baby Falcons.
Pinagbidahan ni Altea ang atake at depensa ng UST sa mahalagang parte ng 5th set mula sa paghahabol sa 4-5 ay binitbit nito sa 9-5 kalamangan ang koponan tungo sa naturang panalo upang makasiguro ng panibagong bronze medal na kanilang nakuha noong nagdaang 85th season. Mismong si Altea rin ang nagbigay ng panapos na block kay NUNS best player Celine Marsh upang makabawi sa masaklap na pagkatalo noong nagdaang Sabado sa naunang 5th set game sa 23-25, 25-21, 21-25, 25-21, 16-18.
“Well, 'yung unang ano namin is 'tong opportunity na playoff. Actually, 2-3-4 tied, nagkatalo sa (sets) ratio. Sabi ko lang sa girls, another opportunity kung ilalaban din natin. Madali lang namang bitawan eh. Either way, pareho lang naman kami ni NU ng gustong mangyari,” pahayag ni UST head coach Kungfu Reyes.
Comments