top of page
Search
BULGAR

Alok ng gobyerno — Remulla.. P6M reward sa ‘missing sabungeros’

ni Madel Moratillo | February 14, 2023




Nag-alok ng P6 million cash reward ang gobyerno sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng 6 na indibidwal na isinasangkot sa mga nawawalang sabungero.


Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa ngayon patuloy pa rin ang paghahanap nila sa 6 pang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.


Una rito, nakipagpulong si Remulla sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at pamilya ng mga nawawalang sabungero.


Ayon kay CIDG chief Police Brigadier General Romeo, Jr., may ideya na sila kung sino ang posibleng mastermind sa likod ng pagkawala ng mga ito.


Si Remulla, muling tiniyak na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kanilang kaanak at masugpo na rin ang mga ganitong klase ng krimen.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page