ni MC @Sports | June 9, 2024
Sinimulan ni Mika De Guzman ang pagdepensa sa kanyang titulo sa women's singles ng Philippine Badminton Open 2024 sa bisa ng kinomandong 21-8, 21-7 victory laban kay De La Salle University's Mia Manguilimotan sa First Pacific Leadership Academy sa Antipolo City.
Sa kabila ng mababang iskor, kinailangan pa ng three-time UAAP MVP ng 22 minuto upang mahawakan ang placing sa Round of 16. Nagpahayag naman ng kakuntentuhan si De Guzman sa kanyang naging solidong laro sa Philippine Super 500 tournament na ito na may basbas ng Philippine Sports Commission at suportado ng MVP Sports Foundation.
"Hindi ko rin po iniisip na defending champion ako, but in my heart and in my mind, sabi ko na I need to give my 100 percent sa game and no regrets. So far, I still got my 100 percent po," ayon sa 2023 APACS Kazakhstan International Series champion.
Haharapin ni De Guzman ang pamilyar nang kalaban na si Anthea Gonzalez ng University of the Philippines, na nagwagi kontra Sarah Joy Barredo ng National University sa scores na 21-23, 21-17, 21-14 sa Round of 16.
"I will just have to give my best every game, kasi kapag binigay ko po 'yun, makikita ko po yung result na gusto kong kalabasan. I know na top players from their schools 'yung makakalaban ko. Kaya kailangan ko talagang ibigay 'yung best ko kasi wala namang kalaban na madali. I'm actually excited to play against everyone po," ayon sa 22-year-old St. Paul College Pasig alumna.
Ang naturang tagumpay ay hindi naduplika sa men's side, nang talunin ni Clarence Villaflor ng Cadiz-JBA/Apacs ang titleholder na si Mark Velasco sa nakagugulat na 21-17, 21-13 win sa Round of 32 ng kompetisyon.
Comments