ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 17, 2025
Photo: Ogie at Regine - IG
Hangang-hanga si Melai Cantiveros sa nakita niyang pagmamahal ni Ogie Alcasid sa misis nitong si Regine Velasquez.
Nanood ang Kapamilya TV host/comedienne ng 2nd night ng Reset concert ni Asia’s Songbird last Saturday (Feb. 15) at labis siyang na-touch sa kanyang nasaksihan kay Ogie.
Kinunan ni Melai ng video si Ogie habang kumakanta si Regine ng madamdaming cover song at aniya sa caption, nakita niya ang ‘divine’ na pagmamahal ng OPM singer/songwriter sa misis nito.
Sa video ay makikitang seryosong-seryosong nanonood si Ogie sa misis niya habang nagpe-perform.
Ayon kay Melai, tahimik daw na nagdarasal si Ogie for his wife habang nagpe-perform ito.
“Kagabi, na-witness ko ang divine na pagmamahal ni Kuya Ogie @ogiealcasid kay Momshie Reg @reginevalcasid. Kitang-kita namin na silently praying (praying emoji) sa wife n’ya habang kumakanta, cheering in praying (praying emoji),” pagbabahagi ng celebrity mom.
“And this song na cover from South Border ni Momshie Reg is song dedicated n’ya for Kuya Ogs nu’ng time na ‘di pa sila public, and ngayun? They support and pray for each other loudly and lovingly (red heart emoji),” patuloy ni Momshie Melai.
Puring-puri rin niya ang concert ni Regine, na sa sobrang ganda raw ay para siyang nanalo sa lotto.
“Sobrang ganda ng #ResetCover ni Momshie Reg. Sorry, guys, ‘di ko ‘to iniinggit, para kaming nanalo sa lotto sa taga-birit ni Momshie Reg (clapping emoji). Sorry, guys, sana natunghayan n’yo (100% emoji). Congrats, MomshieReg! Labyu (love emojis) #oneforthebooks,” pahayag ni Melai.
Samantala, nag-post din ng pagbati si Ogie para sa kanyang pinakamamahal na wifey.
“She was at her absolute best. I kid you not. The standard she upholds for herself is awe-inspiring, and her fortitude to always have outstanding performances for her beloved fans is truly incredible. Behold this treasure we have called Regine and be Reset. Congratulations, my love. @reginevalcasid (heart and pray emojis),” sey ni Ogie Alcasid.
MASAYANG-MASAYA si Ara Mina sa pag-pick up ng PeekUp, the first Pinoy ride-hailing app na sinimulan nila ng asawang si Dave Almarinez last year.
Matatandaang ini-launch nina Dave and Ara ang PeekUp noong May 2024, at wala pa ngang isang taon kung tutuusin, pero ang laki na agad ng inasenso nito dahil wala rin namang tigil ang mag-asawa sa pagpapaunlad nito.
Kamakailan ay ini-launch ng PeekUp ang bago nilang serbisyo, at ito ay ang executive ride to and from the airport. Ang bongga lang dahil bumili pa sila ng mga bagong BMW X5s and X1s na siyang gagamitin nilang panundo at panghatid sa airport ng mga passengers.
Ayon kay Dave, marami kasi ang nagre-request sa kanila, especially ang mga negosyante na gustong magkaroon ng magandang ride to and from the airport.
“So, naisip po namin, PeekUp will be the first mover, at ‘yung mga negosyante, ‘di lang mga local kundi mga foreign travelers din,” aniya.
Wala raw extra charge ang mga executive and premium rides at wala ring nangongontrata, tulad ng mga karaniwang reklamo sa mga drivers sa airport.
Ayon naman kay Ara, isa siya talaga sa mga nag-push na magkaroon ng first Pinoy-owned ride-hailing app.
“Kasi, sabi ko, kaya nating lumaban. I believe na kaya ng Pilipino na magkaroon ng sarili nating ride-hailing app,” sey ng aktres.
Comentarios