Alkalde sa Oriental Mindoro, nagka-Covid kahit nabakunahan na kontra COVID-19
- BULGAR
- May 27, 2021
- 1 min read
ni Mary Gutierrez Almirañez | May 27, 2021

Nagpositibo sa COVID-19 si Naujan, Oriental Mindoro Mayor Mark Marcos, batay sa lumabas na resulta ng RT-PCR test niya ngayong umaga, May 27.
Sabi pa ni Marcos, sumailalim siya sa test sapagkat nakararanas siya ng ilang sintomas ng COVID-19.
Nu’ng una’y inakala niyang side effects lamang iyon ng unang dose na itinurok sa kanya kontra COVID-19 nitong Martes.
Sa ngayon ay naka-home quarantine ang alkalde at kasalukuyang nagpapagaling.
Comments