ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 5, 2022
Speaking of hiwalayan, naaliw naman kami sa taba ng utak ng ilang netizens dahil ginawan ng meme 'yung mga male celebrities na umiyak sa kanilang kasal at bidang-bida nga diyan sina Aljur Abrenica, Tom Rodriguez at Jason Hernandez.
Ang common denominator ng tatlo?
Well, ayan, pare-parehong hiwalay na ngayon kina Kylie Padilla, Carla Abellana at Moira dela Torre.
Sabi pa ng mga netizens, paiyak-iyak pa ang mga lekat na lalaking 'to sa araw ng kanilang kasal, 'yun pala, eh, lolokohin din ang kani-kanilang misis!
Aruuuy!
Eh, teka, hindi kaya ang tumatakbo sa kani-kanilang utak nu'ng sila'y ikasal kaya sila naiyak, eh… "This is it, tapos na ang maliligayang araw ko!?"
Nyahahaha!
So, girls, alam n'yo na!
Comments