ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Sep. 21, 2024
Nag-post sa socmed (social media) ng kanyang saloobin si Kylie Padilla na nahihirapan siya sa pagiging single working mom sa dalawa niyang anak kay Aljur Abrenica na sina Alas at Axl.
Sey niya, “Kakayanin ko ang lahat kahit ano basta may kiss at yakap ako sa kanila.”
Dahil sa kanyang busy na schedule, itinuturing ni Kylie na mga priceless moments ang kanyang mga day-off, kung saan sinasadya niyang iwanang bukas ang pinto ng kanyang kuwarto para makapiling ang mga bata tuwing umaga.
“I purposefully leave my door unlocked so they can come to my side in the morning and give me morning kisses and hugs,” pahayag pa ni Kylie.
Dagdag pa ng dyunak ni Robin Padilla, ang mga simpleng yakap at halik mula sa kanyang mga anak ang nagbibigay sa kanya ng lakas at motibasyon para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
Aniya, “I live for those moments. They don’t know that this is my fuel. Kakayanin kahit ano basta may kiss and yakap ako sa kanila.”
O, ayan, Aljur Abrenica, hindi na kailangan pa ni Kylie Padilla ang iyong mga kisses at yakap, kaya ibigay mo na lang sa iyong labs after Kylie na si AJ Raval.
Sometimes, it’s okay not to be okay. Boom ganern!
Ikinataba ng puso ng “Pambansang Host” na si Luis Manzano ang classroom version ng Rainbow Rumble (RR) na ginawa ng school teacher na si Alfe Iglesia mula sa Agusan
Del Sur para maengganyo lalo ang kanyang mga estudyante.
“Kapag ‘yung game show mo ay ginagamit to teach and for learning purposes, ibig sabihin, may ginagawa kang tama. Napakalaking bagay sa ‘min ‘yun,” sabi ni Luis.
Nagpasalamat siya kay Alfe dahil naisip nitong gamitin ang pinakabagong game show ng ABS-CBN bilang epektibong diskarte sa pagtuturo niya.
“Maraming salamat sa 'yo, Sir Alfe Iglesia. Ginawa n’ya ‘yung game show natin para sa kanyang mga estudyante. Saludo po kami sa inyo sa pagiging creative, we are deeply honored na nagiging part kami at mas nakakatulong sa mas effective na pagtuturo n’yo,” dagdag niya.
Sa kabilang banda, ibinahagi ni Alfe kung paano nakatulong ang format ng laro sa paghahatid ng kanyang mga aralin sa subject na English.
Nagpapasalamat din siya dahil kinilala ng palabas ang kanyang efforts para mas pag-igihan ang pagtuturo sa mga bata.
“I always find a way to make my teaching and learning process more engaging and more meaningful. Masaya ako sa naging response nila (sa Rainbow Rumble) because I find it very effective. I really noticed na merong interaction, merong active participation,” sey ni Alfe.
Gaya ni Alfe, parami nang parami ang mga netizens na pumuri sa show dahil sa pagiging informative nito pati na rin sa sayang dinadala nito tuwing weekend. Pinuri rin nila ang galing ni Luis sa pagiging host.
Samantala, patuloy ang pagbibigay-saya ng RR sa mga manonood noong weekend (Setyembre 14 at 15) tampok ang Pinoy Big Brother (PBB) hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee at Robi Domingo at Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Izzy Trazona-Aragon, Monic Icban-Diamante, Mae Acosta-Valdez, at Mhyca Bautista na sumubok sa mga nakakatuwang challenges.
Nakakuha ng kabuuang 491,249 combined peak concurrent views ang dalawang episodes.
Maki-sagot na sa tanong at alamin kung susuwertehin kaya ang Rumblers sa susunod na weekend.
Patuloy na panoorin ang Rainbow Rumble tuwing Sabado at Linggo, 7:15 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15 PM sa TV5.
Comments