top of page
Search
BULGAR

ALJUR, PROUD NA TANGGAP NI AJ ANG LAHAT-LAHAT SA KANYA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 6, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Ang sweet ng mensahe ni Aljur Abrenica para sa girlfriend na si AJ Raval sa kanyang socmed (social media) account.


Pinasalamatan ng aktor ang dyowa sa unconditional love nito at sa pagtanggap sa buo niyang pagkatao.


“Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough. I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together,” ang punumpuno ng pagmamahal na mensahe ni Aljur kay AJ.


Bihirang mag-express ang aktor ng kanyang nararamdaman, lalo pa nga sa socmed, kaya naman marami ang kinilig sa kanyang post.


Pero may mga netizens pa ring panira talaga ng trip at ninega-nega na naman ang celebrity couple. May nagbanggit pa ng pangalan ng dating asawa ni Aljur na si Kylie Padilla.


“HINDI BA GANYAN SI KYLIE SA 'YO?” tanong ng isang netizen.

“Parang ganyan din ‘yung sinabi mo kay Kylie,” sey pa ng isa.


Grabe rin ang pamba-bash ng iba at buo pa rin ang paniniwala nila na nagtaksil si Aljur kay Kylie.


Sa dami pa rin ng negative reactions, mukhang matatagalan pa bago matanggap ng publiko ang relasyon nina Aljur Abrenica at AJ Raval.


 

VIRAL ngayon sa socmed (social media) ang cryptic post ni Julia Montes at naghuhulaan ang mga netizens kung sino at ano ang kanyang tinutukoy.


Mababasa sa Instagram (IG) Story ni Julia na tila may taong tumraydor sa kanya.

“Tinutulungan mo noon, sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘di ba!” aniya.


Sabi pa niya, “Oo ikaw, alam mo kung sino ka (face with hand over mouth, face blowing a kiss emojis). Mga tao talaga (monkey covering face, zany face emojis).”

Maraming mga fans and netizens ang nagulat at nanibago dahil kilala natin si Julia bilang tahimik na tao at hindi rin siya mahilig mag-post, lalo na nga ang mag-rant sa socmed.


Kilala nga rin natin siyang hindi nakikipag-away kaya naman shocked ang marami sa kanyang post.


Sey nga ng isang netizen, “Enemy reveal na ‘yan!”

May mga namba-bash din at nagpapayo sa aktres na hindi siya dapat nagpo-post ng ganito dahil nakaka-cheap.


“Nakaka-cheap talaga ‘yung ganitong ine-air sa social media ang mga personal na away at parinigan. Mapa-celebrity o non-celebrity,” sey ng isang netizen.


“Ay, ‘di nakaka-mature ang ganitong mga posts. Jusko, away-bata,” komento naman ng isa pa.


Pagtatanggol naman ng isang fan, “Sa bait ni Julia, first time s’ya nag-post ng ganyan. Malamang, totoo nga.”


Hula naman ng isa pa, “Probably, may konek 'to du’n sa mga kumakalat na photo niya with her panganay na anak daw na kamukha ni Coco.”


Sabi naman ng isa, “Kung sino ka mang pinatatamaan ni Julia, please lang, mag-react ka (laughing emoji).”


Reaksiyon ng isa pa, “Hahaha! Never thought nga na maggaganyan s’ya, since she is usually behaved lang.”


Well, kami naman ay sobrang clueless kung sino ang tinutukoy ni Julia Montes since napakapribado nga ng aktres at hindi nga natin alam kung sinu-sino ang mga friends niya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page