ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 28, 2024
FORMER MAYOR ALICE GUO ‘SPY’ NG CHINA -- Sa unang pagdinig noon ng Senado tungkol sa tunay na pagkatao, citizenship ni former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac at pagkakadawit nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), napaiyak ang dating mayora at sinabing Filipino citizen daw siya, at hindi Chinese national para mag-spy sa Pilipinas.
Ito na siste, sa pagdinig sa Senado nitong Lunes ay inamin ni Sheila Guo na kasama niyang tumakas palabas ng ‘Pinas ang kapatid niyang si Alice Guo, at dahil tumakas sa bansa ay lumalabas ngayon na itong dating mayora ng Bamban, Tarlac ay isang ngang ‘spy’ ng China sa ‘Pinas, period!
XXX
DAHIL SA PAGIGING TAKLESA, MALAMANG MAKULONG ULI SI HARRY ROQUE -- Ayon kay Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Safety and Order na posible raw patawan nila uli ng contempt at ikulong sa Kamara si former presidential spokesman Harry Roque dahil sa pagtatalak nito sa publiko at sa social media na kagagawan daw ng Marcos administration ang pag-contempt sa kanya at pagpapakulong ng 24-oras sa House of Representatives, dahil ayon kay Cong. Fernandez na hindi nadidiktahan ng Malacañang ang Kamara dahil magkahiwalay ang kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatura.
‘Ayan, dahil sa pagiging taklesa ni Harry Roque, malamang ipakulong uli siya ng Kamara, he-he-he!
XXX
HARRY ROQUE AT AR DELA SERNA NA MADALAS MAGKASAMANG NAG-A-ABROAD, MALAMANG SA SELDA NAMAN MAGSAMA -- Dahil sa hindi pagdalo ni 2016 Mr. Supranational Philippines AR Dela Serna na dating staff ni Harry Roque sa hearing ng Kamara noong Aug. 22, 2024 tungkol sa isyung POGO, subpoena na ang ipinadala sa kanya ng House of Representatives para sa susunod na hearing.
Kaya kapag inisnab din ni Dela Serna ang subpoena at i-contempt uli ng Kamara si Harry Roque, na kung dati ay madalas silang dalawa na lumabas ng bansa, kapag pareho silang ipinakulong ng mga cong., malamang magkasama na uli silang dalawa, hindi nga lang sa abroad kundi sa selda ng House of Representatives, boom!
XXX
NABATIKOS TULOY SI VP SARA DAHIL SA SABLAY NA PAYO NG SINUMAN SA MGA ADVISER NIYA -- Kung sinuman sa mga adviser ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang nagpayo sa kanya na magpalabas ng statement tungkol sa pagkiling niya kay Pastor Apollo Quiboloy at pambabatikos sa mga pulis na pumasok sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para hanapin at isilbi sa pastor ang warrant of arrest, sablay ang advise na iyan sa bise presidente.
Naputakti tuloy ng batikos si VP Sara at na-bash pa ng netizens na kinakampihan daw si Quiboloy na may kasong sexual abuse at human trafficking, tsk!
Comments