top of page

Alice Guo, ligwak na sa NPC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @News | June 23, 2024


News
Photo: Alice Guo / FB

Niligwak na ng Nationalist People’s Coalition (NPC) mula sa partido ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo dahil sa mga reklamo ukol sa kanya umanong kaugnayan sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa bayan.

 

“In view thereof, I will be directing our Secretary General, Sec. Mark Llandro Mendoza to implement the said order and immediately inform Mayor Guo of her removal from the party,” pahayag ni NPC chairman Vicente "Tito" Sotto III nitong Sabado mula sa liham na inilabas noong Linggo.

 

Inalis si Guo sa NPC bilang tugon sa petisyon ni Tarlac Governor Susan Yap na inihain noong Hunyo 17.

 

Unang iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian ang ideya na patalsikin si Guo mula sa partido.

 

Noong Biyernes, isinampa ng mga otoridad ang reklamo laban kay Guo dahil sa akusasyon ng human trafficking kaugnay ng ilegal na POGO hub sa kanyang bayan.

 

Mahigit 800 Pilipino at dayuhan ang nailigtas sa Bamban POGO hub matapos ang pag-raid dito noong Marso.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page