top of page
Search
  • BULGAR

ALEXA: MARIAN, MOST BEAUTIFUL WOMAN

ni Nitz Miralles @Bida | June 6, 2023



Maiintriga nito si Alexa Ilacad at baka ma-bash pa ng ilang Kapamilya fans dahil sa pagsabi niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pinakamagandang babae para sa kanya.


Hindi na nga nakapagpigil pa ang Kapamilya young actress sa pagpapahayag ng paghanga niya sa angking kagandahan ng Kapuso Primetime Queen.


Nag-iwan ng komentong, “The most beautiful woman,” si Alexa sa isang Instagram post ni Marian, kung saan ay ine-endorse nito ang isang shampoo brand at true naman na super-ganda ng Kapuso Primetime Queen sa mga naturang litrato.


Maging si Sofia Andres, napa-comment ng emoji. Hindi lang naman ang Kapamilya young actress ang gandang-ganda kay Marian, pati na rin ang kanyang mga followers sa social media.


Speaking of Marian, marami ang natuwa na makitang kasama nila ng kanyang pamilya si Boobay nang mag-shopping sila sa branch ng Uniqlo sa Glorietta 5.


Kasama noon ni Marian ang mga anak na sina Zia at Sixto, asawang si Dingdong Dantes at ang kapatid na babae ng aktor na hindi lang nahagip ng camera, at si Boobay nga.


Nakakatuwa raw na hindi lang financially tinutulungan ni Marian si Boobay na pinagpapahinga muna ng GMA Network sa The Boobay and Tekla Show para gumaling sa kanyang sakit.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page