top of page
Search
BULGAR

ALEX AT MISTER, MAGPAPAKASAL ULI SA SIMBAHAN

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 17, 2024



Photo: Mikee Morada - Alex Gonzaga - IG


Nag-file si Alex Gonzaga ng case against sa netizen na tumawag sa kanya ng ‘baog.’ Pagkatapos na mag-suffer ng second miscarriage, hindi na raw niya ipe-pressure ang sarili para mabuntis uli ngayong taon.


Ang ginagawa raw niya ngayon ay ang plano nilang magpakasal sa simbahan after nilang magpa-civil wedding ni Mikee Morada during the pandemic.


Esplika ni Alex, “Kasi last year pinressure ko kasi. Ang daming nagsasabi na maganda ‘yung Year of the Dragon. Sabi ng daddy ko, bakit ako naniniwala, ‘di naman kami Chinese (laughs)? Nagpa-IVF na ako, Year of the Dragon, suwerte raw. ‘Yung asawa ko rin, Year of the Dragon, ‘di nagsasalita. Anyway, this year, mas nabuksan ‘yung isip ko na ‘yung perspective ko na even in the waiting, I am grateful because ang dami kong puwedeng gawin.


“It’s really my perspective na kung hindi man naibibigay ng Panginoon ito, puwede naming gawin ito (iba) ni Mikee, nakakapag-travel kami, puwede kaming mag-business venture kasi meron din kaming ginagawang ibang business. So mas nakakasama ko ang mommy ko. ‘Pag sinabi ng ate ko na, ‘Samahan n’yo kami sa Italy!’ nakakasama kami nang walang responsibility masyado, except of course sa work. Hindi ko na pine-pressure sarili ko, dati kasi pine-pressure ko pero wala rin, ang ate ko ang nabuntis.”


Dahil naka-dalawang anak na sina Toni at Direk Paul Soriano, hindi maiwasan na may magkomento ng mga negatibo sa aktres/host/vlogger na ang iba ay below the belt pa.

“Personally, hindi ako nasasaktan. Pero parang tingin ko, kailangang mag-stop ‘pag sinasabihan ka ng baog, ‘pag sinasabihan ka ng ganu’n.”


“We really have to be sensitive about it kasi ako, kaya ko. Puwede naman, kasi okey naman ‘yung sabi ng doctor ko. Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganu’ng issue?”


Kaya nga raw nagdemanda siya para itama ang maling gawain at ‘di na gawin sa iba lalo na ‘yung pagtawag ng baog. 


“Ayaw na natin ‘yung bullying. Pero sa parte na ito ng mga kababaihan, hindi pa masyadong nabibigyan ng pansin. Kaya nu’ng may nakita akong nagkomento ng ganu’n, ipinakausap ko sa lawyer ko. Pinatawad namin pero kailangan n’yang maglabas ng (statement),” kuwento niya.


 

Mga big stars ang kalaban… 

KIM AT JULIA, NOMINADO SA ASIAN TV AWARDS


Kim Chiu at Julia Barretto - Instagram

PAREHONG nominado sa Asian Television Awards 2024 sina Kim Chiu, Julia Barretto at PTNI Lead PH.


Sey ng mga netizens:


“Grabe ‘yung Kim Chiu, ang lakas kay Lord. Sunud-sunod ‘yung blessings!”

"Congrats, Kim! Nu’ng isang araw ka lang bina-bash, may kapalit na agad na blessing.”

“Congrats, Julia & Kim! Nakaka-proud naman kasi mostly ng mga nominated are from China, Thailand & Singapore.”


"Julia is really a good actress. I have been noticing she is the good one amongst young stars nowadays.”


“Congrats to Kim and Julia! Pero ang cringe naman nu’ng pa-‘Asian Superstar’ title na imina-market ng ABS for Kim. Ako ‘yung nahihiya for legit high caliber actors na famous across Asia like Zhang Ziyi, Michelle Yeoh, Son Ye Jin, Jin Ji Yun, and other Japanese actors na walang pa-Asian Superstar pakulo. As always, ang cringe ng Philippine showbiz industry and media.”

“Napaka-big deal ng title ‘pag kay Kim Chiu ibibigay, ‘no? CHINITA PRINCESS na lang! Okey na ba?”


“‘Yung host sa Taiwan awards ang nagbansag sa kanya nu’n.”


“Nagiging unfair ang mga tao pagdating kay Kim Chiu.”


“Ang ganda ng Secret Ingredient ni Julia sa Viu. Ang galing n’ya du’n, deserve n’ya manalo.”

Pakiusap ng JuRald fans, “Gerald, samahan mo si Julia!”


“Si Kim? Is she even good sa portrayal n’ya? Ang daming mas qualified na mga nuanced actors talaga. Iisa lang ang expression ni Kim ‘pag umaarte, eh.”


“Mas bet ng ibang countries ang acting ni Kim. Pinoy lang naman ‘yung nagagandahan sa acting na OA, ‘yung palaging dilat ang mata at sumisigaw. Sa totoo lang, mas naiiyak ako sa acting ng Korean or Thai kasi mas ramdam, I can say that Kim did a good job as Secretary Kim.”


May nagsasabi namang, “This is NOT a credible award-giving body. They will ask you to pay P20 thousand per head, ask you to come to whichever part of Asia they are staging the event, make you believe you will win an award just so you can come, only for you to lose. The ones who win, win numerous times, and they have built relationships with the people who are running it. Alam na!”


Hala! Gaano naman kaya katotoo ang sinasabing ito ng commenter?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page