ni Jasmin Joy Evangelista | November 12, 2021
Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng COVID-19 alert system sa buong bansa.
Sa ngayon kasi, sa ilang rehiyon pa lang umiiral ang 5-level system.
Ito ang ipapalit sa mga community quarantine status at nagtatakda ng mga COVID-19 restriction.
Sa executive order na pinirmahan ng pangulo, makakatulong ang sistema sa pagbubukas ng ekonomiya habang pinangangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Magkakaroon ng 4 phases o bahagi ang pag-roll out sa alert level system sa buong bansa.
Ang mga lugar kung saan ipinapatupad na ang sistema ang siya ring kasali sa first phase. Ito ay ang mga sumusunod:
* Phase 1: NCR, Region 3, 4-A, 6, 7, 10, and 11
* Phase 2: Regions 1, 8, and 12
* Phase 3: Regions 2, 5, 9
* Phase 4: Cordillera Administrative Region, Region 4-B, Region 13, Bangsamoro
Ang mga hindi pa isinasailalim sa alert level ay mananatili muna sa community quarantine.
Ang alert level system ang isa sa mga hakbang ng gobyerno para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Comentarios