top of page
Search
BULGAR

Alert Level 2, panatilihin sa gitna ng banta ng Omicron — eksperto

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021



May panawagan ang ilang eksperto sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) Omicron variant.


Anila, kailangang panatilihin ang Alert Level 2 sa buong bansa hanggang Enero, kahit na bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang mga linggo. 


Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, nararapat lang na manatili sa Alert Level 2 para paghandaan at mas ma-contain ang posibleng pagpasok ng Omicron na unang nadiskubre sa South Africa. 


“I understand the position na we can remain at alert level para ready na din tayo just in case at para ma-contain natin ang spread," ani David. 


Para naman kay health reform advocate Dr. Tony Leachon, dapat maghinay-hinay pa sa ngayon lalo't may pagbabakuna pa. 


“Ang suggestion ko i-retain natin ang Alert Level 2 kasi ang dami pa nating gagawin. Magbabakuna pa tayo, Magbu-booster shots pa tayo. ’Yung mga bata babakunahan pa natin. Pangalawa, parang Alert Level 1 na ’yung Alert level 2, so lalo na ’pag in-Alert Level 1. So maghinay-hinay tayo. I think mas maganda ’yung merrier and safer Christmas, kaya buong December Alert Level 2 muna tayo nang sa gano'n safe na safe talaga ang ating Christmas. Tapos sa January 2022 na tayo mag-Level 1 pag nabakunahan na natin ang at least 50 percent of the population,” ani Leachon. 


Noong Biyernes ay idineklara ng World Health Organization ang Omicron bilang variant of concern dahil sa mas mabilis umano itong makahawa kumpara sa Beta at Delta variant.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page