top of page
Search
BULGAR

Alert level 1 sa NCR, posible sa Disyembre — DOH

ni Jasmin Joy Evangelista | November 14, 2021



Mayroong posibilidad na ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila sa Disyembre kung magpatuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon.

 

“Kailangan ‘yung low risk ng National Capital Region, for example, kailangan ma-sustain natin ito ng 2 incubation period," ani Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 


“Kailangan natin panatilihin na mababa siya for the next siguro 1 week, ituloy-tuloy natin iyang ano na iyan kasi on the 15th actually magkakaroon ng another determination ang data analytics. Isa sa mga titingnan namin, yes, the number of cases, next is iyong 2-week growth rate, we want it negative, ibig sabihin patuloy ‘yung pagbaba ng kaso. So kung mapapanatili iyon puwede nating maipapababa to Alert Level 1 by December,” dagdag niya.


Kung ipapatupad ang Alert Level 1, papayagan sa unang pagkakataon ang operasyon ng lahat ng establisimyento, pagbiyahe at iba pang aktibidad nang walang limitasyon sa bilang ng tao o edad. 


Very low risk naman ang mga karatig-lugar na Cavite, Laguna, Bulacan, at Pampanga.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page