ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 19, 2024
Photo: Alden Richards - FTWBA
Diretsahang tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda si Alden Richards kung nililigawan ba nito ang ex ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.
“Nanliligaw ka ba kay Kathryn Bernardo?” ani ng TV host.
Hindi direktang sinagot ni Alden ang tanong, instead ang paliwanag niya ay “‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy is... I should say, really deep, and since I got the chance to really know her personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya.
“Our similarities and differences in how we view life, and sobrang na-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open-up n’ya sa ‘kin. Welcoming me into her life and of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family.”
Naku! Ano sa palagay n'yo, mga KathDen fans?
Gustung-gustong maging Hollywood Star…
LIZA, UMAMIN KUNG BAKIT UMALIS SA MANAGEMENT NI JAMES
Nagsalita na si Liza Soberano ukol sa pag-alis niya sa Careless Management ni James Reid.
Sa interbyu ng Preview Magazine, ibinahagi ng aktres kung bakit siya umalis.
Ani Liza, “Careless' focus has always been on music. The goal was always to build my own team and gradually shift to more international opportunities.”
Despite ng kanilang paghihiwalay, pawang magagandang salita ang sinasabi ng aktres
sa Careless at sa founder nito na si James Reid.
July 29 pa umalis si Liza sa kuwadra ni James, pero kumalat ang balita dalawang buwan pagkatapos ng kanyang pag-alis.
“Through James (Reid) and Jeff (Oh), I was able to find my voice as a woman in entertainment and grow as an artist and entrepreneur in ways I could’ve never imagined,” wika ni Liza.
Sa ngayon ay part na ang aktres ng WILD talent agency sa Singapore.
Ipinost ng agency sa kanilang Instagram (IG) official account ang pag-welcome nila kay Liza, “We’re so happy to welcome the talented Filipino-American actress Liza Soberano to our WILD family.”
Ang daming reactions ng mga netizens sa paglipat ng aktres. Sey nila…
“Kailan ba talaga n’ya matatagpuan ang tamang agency na makakapagbigay sa kanya ng projects na gusto n’ya?”
“Hindi yata deserve ni Liza na maging isang Hollywood star, lalo pa’t nasa SG ang talent agency n’ya ngayon.”
Sabi naman ng iba, mali umano ang naging desisyon ni Liza Soberano na tumiwalag sa ABS-CBN. Masyado raw itong nagmadali na iwanan ang showbiz career dito sa 'Pinas, samantalang wala pa raw naman siyang ganap na napapatunayan.
NAPAKINGGAN namin ang boses ng aspiring singer na si Jack Suficiencia sa Kantahan Na (KN), radio program ni Ian Agsalud. In fairness, maganda ang boses ni Jack na isang kontesero.
Aniya, sumali na siya noon sa Metro Pop Song Festival sa GMA-7, nasama sa qualifying round, pero hindi nasungkit ang kampeonato.
Maging sa Bagong Kampeon noon nina Bert Marcelo ay sumali rin siya, kaya lang, sadyang mailap sa kanya na maging winner.
Nagkaroon si Jack ng depression kaya iniwan ang pagkanta at pumasok bilang seaman. Ngunit, sadyang passion niya ang pagkanta, kaya binansagan siya ng mga kapwa seaman na ‘Talentadong Seaman’.
Hindi raw niya maiwan ang passion sa music kaya kapag bumababa siya ay may regular gig siya sa Sucat, Parañaque kapag weekdays at Malate, Manila tuwing Saturday.
Sa KN ay ipinarinig niya ang dalawang original songs, ang Hindi Na Tayong Dalawa at Minsan Pa, composed by Rey Cayabyab.
Well, wish ni Jack na sana raw one day ay mapansin ng mga netizens ang kanyang mga awitin. Naniniwala siyang mapapansin ang kanyang boses sa mundo ng musika.
Comments