top of page
Search
BULGAR

ALDEN, TODO-RATSADA, LALAKING WALANG PAHINGA

ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 30, 2024





Lumipad kahapon pa-Dubai sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para dumalo sa special screening ng pelikula nilang Hello, Love, Again (HLA). 


This Saturday, November 30, ang first screening date at bukas, December 1, ang second screening date. Hindi lang screening ang mangyayari dahil may Meet-and-Greet din sila sa mga bumili ng tiket at special guests.


Grabe ang schedule ni Alden, mula nang dumating last Tuesday from Canada, araw-araw ang schedule at wala siyang time magpahinga. Pagdating nga last Tuesday, kinagabihan, nasa block screening siya ng HLA. Kinabukasan, nag-taping ng Pulang Araw (PA). 


Buong maghapon ng Thursday, sunud-sunod na block screening ang pinuntahan ni Alden dahil naipangako niya sa sarili na hangga’t kaya, pupuntahan niya ang lahat ng ito.

Ginulat nga nito ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde nang dumating si Alden sa pa-block screening nila for their family and friends. May bonus pa nga nang kantahin ni Alden ang ilang lines ng theme song ng HLA na Palagi nina KZ at TJ.


Pagbalik na lang siguro from Dubai makakapagpahinga si Alden. ‘Yun ay kung wala siyang taping for PA na malapit nang magtapos. 


Puwede ring sa birthday na lang niya sa January 2, 2025 magpahinga at ituloy niya sa bakasyon.


At least si Kathryn, nakapagpahinga ng two days, hindi siya nagparamdam sa socmed (social media). Ngayon, balik na sa pagka-hectic ang kanyang schedule.


 

PRESENT sa grand launch ng Uninvited ang family ni Nadine Lustre at may photo sila kasama si Vilma Santos. Hindi lang siguro nagpunta ng Solaire North ang pamilya ng aktres para siya ay suportahan, para na rin makita si Vilma at makapagpakuha sila ng larawan.


Very proud tiyak ang parents ni Nadine na sa isang malaking pelikula kasama ang anak, sa bigating film outfit ng Mentorque Productions at Project 8 Projects at malalaki at mahuhusay na artista ang kasama.


Magiging proud din ang pamilya ni Nadine sa billboard at electronic billboard ng Uninvited all over the Metro. Ang massive ng campaign ni Bryan Dy at ng kanyang Mentorque Productions para ipaalam na sa December 25 na ang showing ng movie.

Speaking of Nadine, today, November 30, ang nabanggit nilang date ng boyfriend na si Christophe Bariou na magiging available sa stores ang Dehusk, ang plant-based coconut milk crafted by Filipinos. Kasama nila sa business na ito ang co-founder ng Dehusk na si Sam Tecaula.


 

Knows mo ‘yan, EA?

ANJO, BINIGYAN NG PAMBILI NG BRIEF NI SHAIRA




Kapag ikinasal na sina Edgar Allan Guzman (EA) at Shaira Diaz sometime in 2025, kasama sa mga ninong/ninang nila sina Rhea Tan ng Beautederm at Arnold Clavio na original host ng Unang Hirit (UH). “Ninang at Ninong” na nga ang tawag sa kanila ni Shaira.


Sa presscon ng 25th anniversary ng morning show ng GMA-7, ilang beses tinawag na “Ninong” ni Shaira si Arnold na parang sanay na rin sa tawag sa kanya ng aktres. Tiyak na may partisipasyon din ang ibang hosts ng UH dahil pamilya na ang kanilang turingan. 


Kaswal ngang naikuwento ni Anjo Pertierra na nang mabaha ang bahay niya at mga gamit ng Bagyong Carina, binigyan siya ni Shaira ng pambili ng brief.


Dahil naman sa UH, naging morning person si Shaira at natutong matulog nang maaga para umabot sa 5:30 AM airing ng program. 


May struggle pa rin daw siya kung paano matulog nang maaga, pero hindi na kasinglala ng dati.


 

Sina Candy Pangilinan at Ai Ai delas Alas ang tampok sa Magpakailanman sa anniversary at Christmas specials.


Sa episode this Saturday na 22nd anniversary episode, tampok si Candy na gagampanan ang sarili sa episode na My Very Special Son (MVSS) na journey nila ng anak na si Quentin na na-diagnose na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

Mapapanood kung paano inalagaan at pinalaki ni Candy ang anak na gagampanan nina Euwenn Mikaell at Will Ashley.


Tampok naman sa two-part special titled Adventures Of Nanay Rider: The Theresa Mayuga Story si Ai Ai na magiging single mom nang hiwalayan ng asawang nambabae at nakabuntis. Nagtrabahong rider si Theresa at hinarap at kinaya ang pambu-bully at diskriminasyon mabuhay lang nang maayos ang anak.


Si Mark Reyes ang director ng two special episodes ng Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco on GMA-7.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page