ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 22, 2025
Umalma ang KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa comment ng isang netizen na nag-thank you si Kim kay Alden Richards na magpapa-block screening sa movie nilang My Love Will Make You Disappear samantalang ang ilang KimPau fans ay bina-bash si Alden.
Depensa ng KimPau fans, wala siyang nakita na bina-bash si Alden ng kapwa fans niya dahil alam nilang good friends sina Alden at Paulo. Mahal daw nila si Alden, lalo at suportado ang nasabing pelikula. In fact, pinanood daw nila ang Hello, Love, Again dahil kay Alden.
Anyway, inaabangan na kung kailan magpapa-block screening si Alden ng MLWMYD na showing na sa March 26. Masaya ito kapag nagkataon dahil Kapuso artist ang magpapa-block screening ng movie ng Kapamilya artists.
Speaking of Alden, napresyuhan ng Preview ang total cost ng suot niya sa Trade Launch ng GMA-7 na sabay sa 75th anniversary ng network. Kung titingnan, simple ang suot ng aktor, pero ang denim jacket nito na mula sa Parisian luxury brand na Casablanca at tinawag na “Tennis Club” ay worth P58,345.80. Ang Jef ankle boots ay worth P123,128.35. Ang suot naman nitong salamin mula sa Gentle Monster ay worth P14,100.
Ang pinakamahal na suot ni Alden that night ay ang gold Rolex Day-Date na onyx ang dial, na worth P2,915,000.
All in all, ang suot ni Alden that night ay worth P3.1 million!
Ang taas ng slit ng suot na gown ni Rhian Ramos sa premiere night ng Sinagtala the Movie, hanggang sa puno ng kanyang hita na halos umabot na sa singit at konting galaw, masisilipan na siya.
In fairness to her, very careful ang aktres sa kanyang mga galaw at kahit noong she was playing the drums, walang nasilip sa kanya.
Dumalo ang boyfriend ni Rhian na si Sam Verzosa sa premiere night. Sayang at walang nakalapit sa kanya para tanungin sa gown na suot ng GF.
Sabagay, supportive si Sam, kaya walang isyu sa kanya ang suot ng nobya. Naalala namin, present din si Sam sa mediacon ng movie at dumating din siya sa premiere night.
Hindi kami magugulat kung magpapa-block screening siya sa Manila to further support Rhian and the movie na showing simula April 2 in cinemas nationwide.
Hindi lang si Sam ang dyowa ng cast na present sa premiere night, dumating din si Julie Anne San Jose to support Rayver Cruz at ang husband ni Glaiza de Castro na si David Rainey. Sina Matt Lozano at Arci Muñoz lang ang walang dumating na dyowa o baka hindi lang nila in-acknowledge.
May appreciation post pala si Rhian kay Direk Mike Sandejas. “Thank you direc @mikesandejas for fighting for me to play the role of June and making my childhood dreams come true. Salamat sa patience ng lahat ng nagturo sa ‘kin and ng lahat ng bandmates ko. Mahal ko kayo, and 14 year old me, thank you too.”
Maganda ang movie at tama ang nabanggit ni Direk Mike na inspiring ito at totoo ang mga nangyari sa mga karakter ng cast. Makaka-relate ang mga band members at lahat ng tao na dumaraan sa problema.
Maganda ang OST na kinanta ng cast na ayon kay Glaiza, five original compositions ang kasama sa movie.
Sa movie, malalamang singer si Rhian at pinalakpakan ng audience ang duet nila ni Rayver.
PRESYO na rin lang ang pinag-uusapan, mahal din ang Dolce & Gabbana no-puff caffeine eye patches na makikitang gamit ni Heart Evangelista sa isa niyang post sa Instagram.
Sa pagtse-check sa website ng D&G, nalamang ang nasabing eye patches ay tinawag na “ultimate beauty accessory” that refreshes and awakens the undereye area. Worth P2,500 ang isang pack na naglalaman ng five pairs of eye gel pads na nakalagay sa reusable tin case.
Heto pa, ang eye pad ay may Italian coffee extract for depuffing and anti-fatigue and adenosine for its revitalizing and firming effects. Nakakatuwa dahil may nanghihingi kay Heart ng D&G eye patches, mas mura raw ito kesa sa ibang gamit ni Heart, kaya puwede raw bang makahingi.
Comments