ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 26, 2024
Hindi lang pang-promo sa kanilang upcoming movie na Hello, Love, Again ang ginagawang panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo, seryoso rin siya sa kanyang intensyon sa kanyang bagong kapareha.
Kahit nga super busy ang kanyang schedule ay nabibigyan pa rin niga ng oras ang aktres upang kumustahin at magbigay ng update sa kanyang mga ginagawa. Kaya naman napuri ni Kathryn si Alden sa kanyang effort to reach out at magkaroon sila ng komunikasyon.
Sa isang interview kay Alden, nabanggit niya kung gaano kakapit ang loob niya sa aktres. Panatag ang kanyang loob kay Kathryn at nakakapag-confess na siya rito ng kanyang mga sekreto at ilang personal matters.
Ganu’n kalaki ang tiwala niya kay Kathryn kahit na hindi pa sila magkarelasyon. Pareho silang hardworking at goal-oriented, kaya swak sila sa isa’t isa at marespeto si Alden sa parents/relatives ni Kathryn kaya tanggap agad nila ang aktor.
Well, ngayon pa lang marami na ang nagsasabing hindi magiging dominanteng boyfriend si Alden Richards at malayang makakakilos si Kathryn sakaling maging nobyo niya ang Pambansang Bae.
KUNG kumikita man ngayon ng milyun-milyon si Coco Martin, marunong naman siyang mag-share sa kanyang mga mahal sa buhay. Lahat ng kanyang kapatid ay binigyan ni Coco ng sariling bahay at kinupkop ang kanyang mga pamangkin at pinag-aaral.
Well, secured na rin ang kanilang future ni Julia Montes dahil nakapagpundar siya ng mga properties at may mga investments. Sapat na ito para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga anak.
Generous din ang aktor sa pagtulong sa mga kasamahang artista na nangangailangan ng tulong. Ang iba ay kinuha niya upang isama sa serye niyang Batang Quiapo. Sey nga ng mga netizens, mala-FPJ si Coco na tumutulong sa maliliit na manggagawa sa industriya. Naranasan rin kasi noon ni Coco ang hirap nang nagsisimula pa lang siyang mag-artista. Kaya ngayon na sinuwerte siya at kumikita na nang malaki ay siya naman ang tumutulong sa mga baguhan.
TWO weeks na hindi mapapanood sa It’s Showtime si Darren Espanto dahil humingi siya ng bakasyon upang madalaw at makapiling ang kanyang pamilya sa Canada, end of June siya aalis ng ‘Pinas. Pagkakataon na rin ito ni Darren upang makapag-relax at makapagpahinga, matapos ang sunod-sunod niyang trabaho. Grabee ang kanyang pagod sa naging preparasyon sa kakatapos niyang ten year anniversary concert sa Araneta Coliseum, ang Darren at 10. Nagpapasalamat ang singer/host at pinayagan siya ng show production para sa request niyang bakasyon.
Well, regular host na si Darren sa It’s Showtime at pumirma na rin siya ng bagong kontrata sa Star Magic.
Mala-Gary V naman ang ginagawang pagbi-build up sa career ni Darren Espanto at mabentang-mabenta siya ngayon sa mga shows abroad.
MAY kakaibang advocacy ngayon ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na idinaraan niya sa kanyang Facebook (FB) page, ito ay tinawag niyang Angel In Disguise (AID), kung saan itinatampok niya ang mga Unsung Heroes na tumutulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.
Bilang reward naman niya sa mga napipiling Unsung Heroes, nagbibigay si Ai Ai ng konting ayuda gaya ng groceries, bigas, atbp. Katulong ni Ai Ai sa pamimili ng groceries ang anak niyang lalaki.
Well, ang pagiging good samaritan ni Ai Ai ay matagal na niyang ginagawa, maraming charitable institutions na siyang natulungan. Naging bahagi rin si Ai Ai sa pagpapatayo ng ilang simbahan.
So, sa bawat blessing na kanyang natatanggap ay nagse-share siya sa kawanggawa. Ito ay naging panata na ni Ai Ai delas Alas sa kanyang buhay.
Natuto na rin siya na magpatawad sa mga taong nanakit at nanghamak sa kanyang pagkatao. Panatag na ang kanyang kalooban, kaya naman maaliwalas ang aura ngayon ng Comedy Queen.
Comments