top of page
Search

After kumalat na stop na sa panliligaw kay Kathryn… ALDEN: MOVE ON NA LANG AT TANGGAPIN ANG PAGBABAGO

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 11, 2025



Photo: Alden at Kath - KathDen FB


May ibinahagi si Alden Richards sa kanyang Instagram (IG) Stories na “6 Things Mentally Strong People Do.” 


Naka-emphasize sa post ang resilience, embracing change, kindness, and celebrating others’ successes. 


Ipinost ito ni Alden sa gitna ng isyu na tumigil na siya sa panliligaw kay Kathryn.

Ang highlight ng post ng aktor sa 6 things ay key behaviors of mentally strong individuals, kung saan naka-include doon ang mga sumusunod: “They move on and don’t waste time feeling sorry for themselves.”


“They embrace change and welcome challenges.” “They stay happy and don’t waste energy on things they can’t control.”


“They are kind, fair, and unafraid to speak up. “They are willing to take calculated risks.” 

“They celebrate other people’s successes.”


Ito ang anim na katangiang ishinare ng Kapuso aktor. 


Ayon sa mga netizens, pasaring umano ito ni Alden Richards sa mga bumabanat sa kanya dahil sa pagtigil ng panliligaw niya kay Kathryn Bernardo. 


 

Hanggang March 11 pa sana…

PIA, ‘DI NA TINAPOS ANG PARIS FASHION WEEK, LUMAYAS NA 


MARAMI ang nagtatanong kung bakit ang agang nilisan ni Pia Wurtzbach ang Paris Fashion Week (PFW). Nagpaliwanag naman ang 2015 Miss Universe (MU) sa Instagram at sinabing, “duty calls” at may personal na bagay siyang dapat ayusin. 


Walang specific na dahilan kung ano’ng nature ng kanyang commitments, pero in-assure niya sa kanyang mga fans na siya ay babalik agad. 


Naghihintay ang kanyang mga fans sa next moves na kanyang gagawin sa pagbalanse ng kanyang personal at professional na commitments. Dapat ay sa March 11 pa magtatapos ang pagrampa ng beauty queen sa PFW, dahil inanunsiyo niyang March 3 hanggang March 11 ang PFW. 


Aniya, “Paris, you were a dream as always. Sad to leave so soon, but duty calls! A few personal errands to handle before diving back into work. Until next time!”


 

IPINASILIP ni Gerald Anderson ang simpleng selebrasyon ng kanyang 36th birthday kamakailan. Sa Instagram (IG), nag-post si Gerald ng mga kuha niyang larawan. Ang girlfriend niyang si Julia Barretto ay nasa okasyon din kasama ang kanyang pamilya. 


Ayon sa aktor, “36! I don’t really party but this party is all about gratitude. Thank you for all the love and greetings, everyone. 36 years of wins, losses, lessons, and blessings keep going.” 

Sa kanyang online post, Gerald also tagged the team behind his simple yet fun birthday celebration.


Nakakatuwang pagmasdan na ang suot ng celebrity couple ay magka-match, kung saan naka-all clad in black si Julia na akma sa simpleng chic outfit ng birthday boy. 


Komento nga ng Kapuso actor na si Rayver Cruz, “My guy, my idol, living legend Mr. Anderson! All the way up for you! My brotha from anotha motha, labyu!” 


Nagbigay din ng pagbati ang ibang kaibigan ng aktor sa showbiz tulad nina Jake Cuenca, Carlo Aquino, Jake Ejercito at Luis Alandy. 


Si Say Alonzo na malapit din sa aktor, ito ang mensahe, “Happy birthday Gerald. Thanks for being kind and humble. Enjoy your day!” 


Maging ang mga netizens ay nagkomento rin:  


“Mula noon hanggang ngayon, guwapo pa rin. Happy Birthday!”


“Happy smiles, happy heart, happy life. God bless you more and happy birthday, idol!”


Toxic naman ang komento ng isang netizen, “Halatang si Julia nag-post at nag-caption, Hahaha!”  


“You look even younger and more handsome now that you’ve lost weight. Bumalik ang dating kaguwapuhan.”


Sey naman ng isang commenter, “The superman of Philippines.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page