top of page
Search
  • BULGAR

ALDEN AT KATHRYN, BUKING SA HIGPIT NG YAKAPAN NA MAG-ON NA

ni Nitz Miralles @Bida  | August 28, 2024



Showbiz News
Photo: Alden Richards, Kathryn Bernardo at Director Cathy Garcia-Sampana / Joross Gamboa

Patanong na biniro ni Joross Gamboa si Alden Richards kung bakit umiiyak sa photo na magkakasama sila nina Kathryn Bernardo at Director Cathy Garcia-Sampana. 


Inisip tuloy ng mga fans na kaya umiyak ang aktor dahil that time, tapos na ang shooting nila ng Hello, Love, Again (HLA) at mami-miss ni Alden si Kathryn.


Actually, totoong galing sa pag-iyak si Alden nang kunan ang litrato nilang apat dahil katatapos lang ng iyakan scene nila ni Kathryn. Hindi raw dahil mami-miss ni Alden si Kathryn dahil magkikita pa rin naman sila kahit nasa bansa na.


Remember, madalas bumisita si Alden kay Kathryn sa bahay nito at kapag may mga events ang glam team ni Kath, invited lagi si Alden, kaya nagkikita sila. 

Saka, malapit na ang promo for their movie, magiging madalas ang kanilang pagsasama.


Nakakaaliw lang ang KathDen fans dahil sila na ang nagbigay ng meaning sa mga kilos nina Alden at Kathryn habang nasa NAIA airport na. Nagyakapan ang dalawa bago maghiwalay at sabi ng mga fans, hindi ganu’n kahigpit ang yakapan ng dalawa kung friends lang sila. Patunay pa raw na sina Alden at Kathryn na dahil halos ayaw na nilang maghiwalay.


Anyway, may pumuri sa sobrang sipag ni Alden dahil nag-taping agad ng Pulang Araw (PA) pagkabalik from Canada. Hindi raw uso sa aktor ang jetlag dahil nakita lang siya sa airport nang dumating, the next day, nasa taping na. ‘Yun ang professional at pinahahalagahan ang trabaho.


 

Welcome na welcome na raw, Dominic…

BEA, PROUD NA PINIPILAHAN NG MGA LALAKI


Bea Alonzo

SINGLE ang status ni Widows’ War (WW) actress Bea Alonzo at may kasunod na “at happy” ang kanyang status. Ibig sabihin, hindi pa siya taken at inaming may mga nagpaparamdam sa kanya, pero wala pang idine-date exclusively. 


Nagbiro nga ang aktres na feeling mahaba ang hair niya dahil sa sinabing may "mga nagpaparamdam" sa kanya. Ibig sabihin, hindi lang isa ang nanliligaw kay Bea.

Nang kumustahin ang lagay ng kanyang puso, “Okey naman ang lagay ng puso ko ngayon.

I’m enjoying being single. I mean there are people, siyempre naman, may mga nagpaparamdam. Sometimes you reply, sometimes you see people,” sagot nito sa interview sa kanya sa 24-Oras.


Mukhang masikreto si Bea sa kanyang love life sa ngayon dahil hindi pa nagli-leak sa press kung sino ang mga suitors niya. Wala rin tayong nababalitaang spotted siya sa mga restaurant na nakikipag-dinner.


Naikuwento rin ni Bea na kahit busy siya sa taping ng WW, itina-try niyang ibalanse ang oras niya sa trabaho at personal life niya.


“I strive for a work-life balance and that’s what makes me happy right now,” dagdag pa ni Bea. Nabanggit nito na pumupunta siya sa derma at sa salon at hindi man binanggit, sa Aivee Clinic siya nagpapa-derma. Dito rin pumupunta si Dominic Roque para sa kanyang skin care at bilib ang mga netizens sa kanilang schedule dahil hindi pa sila nagkakasabay ever.


Samantala, nagpapasalamat si Bea sa positive feedback ng viewers sa WW

“Very overwhelming. Kasi I knew na before it even aired people would love it, but I didn’t know na ganito sila magiging kasobrang involved in the story. Kinikilig ako everytime mayroon silang theories about the show,” ayon pa kay Bea Alonzo.


 

Akala raw ng netizens, sosyal… 

KOBE AT KYLINE, NAKIPAG-INUMAN

SA TABI-TABI LANG 


Kobe at Kyline - Circulated

IN fairness, marami ang dumepensa kay Kyline Alcantara sa pag-viral ng TikTok video na nakaupo siya sa lap o mga hita ni Kobe Paras. 


May tumawag sa kanyang "cheap", "hindi magandang tingnan", "‘wag pamarisan" at "hindi magandang ehemplo ng isang babae" ang mga nega comments na ibinato sa Kapuso actress.


Pero, mas marami ang kumampi sa girlfriend ni Kobe. Natural lang daw sa mga in love ang mga ganyang eksena. Wala raw masama sa kumandong, lalo na kung mahal mo. Siguro raw, hindi naka-experience na kumandong sa mga nobyo nila ang mga nag-react.

Ang lagay na ‘yun, ang pagkandong pa lang ng isa sa mga bida ng Shining Inheritance (SI) ang nakita. Paano na ‘yung pag-aayos ni Kyline sa buhok ni Kobe at ang paghalik ni Kobe sa balikat ni Kyline?


‘Katuwa ang comment na akala niya, sosyal si Kobe, pero makikitang inuman lang sa tabi ng bahay ang pinuntahan nila ni Kyline. May nakita pang plastic na pitsel at may paper plate pa.


Ang isang netizen naman, ang tattoo ni Kobe ang pinansin. Sana raw, hindi gumaya sa kanya si Kyline na actually, posible dahil may tattoo shop si Kobe Paras. Libreng magpa-tattoo si Kyline sa shop niyang NOWN na nasa White Plains.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page