top of page
Search
BULGAR

Alaska, niyanig ng 6.1 lindol

ni Lolet Abania | May 31, 2021



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang US state na Alaska ngayong Lunes, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


Ayon sa USGS, ang lindol ay may lalim na 58.2 kilometro o 36.2 miles at nasa layong 161 kilometrong north ng Anchorage.


Dakong alas-10:59 ng gabi, local time ng Linggo (0659 GMT ng Lunes; alas-2:59 ng hapon, oras sa Pilipinas), naramdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng Alaskan interior, ayon sa Alaska Earthquake Center.


Wala namang inilabas na tsunami warning ang National Tsunami Warning Center ngayong 2343 local time ng Linggo, oras sa nasabing bansa.


Sa hiwalay na report, ang European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC) at ang GFZ German Research Center for Geosciences (GFZ) ay nag-ulat na nasa magnitude 6.1 ang naganap na lindol sa Alaska.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page