ni MC @Sports | August 20, 2024
Isang makasaysayang bronze medal at dalawang individual awards ang nagbigay ng inspirasyon at lakas para sa Alas Pilipinas para sa isang taon na preparasyon ng koponan sa idaraos na solo hosting ng prestigious FIVB Volleyball Men’s World Championship sa 2025.
Ibinuhos ng Alas Pilipinas ang tapang para masungkit ang unang bronze medal sa Men’s Southeast Asia V. League first leg nitong Sabado ng gabi at umangat ang kabayanihan ng team.
Dahil sa injured sina Bryan Bagunas at Marck Espejo, sumandala ang Alas kina Kim Malabunga at Buds Buddin para masungkit ang podium finish at tuluyang anihin sa huli ang bunga ng pagsisikap.
Itinanghal si Malabunga bilang Second Best Middle Blocker habang ang batang si Buddin, National University varsity ang Second Best Outside Spiker honor.
Higit pa riyan, ang tatag sa kasaysayang mataos ang magkasunod na 4th place finish ang nagpahamon kay Italian head coach AngiolinoFrigoni sa kanyang debut tournament sa Pilipinas.
“It’s a bronze medal. It's better to start with a bronze medal than start without a medal,” ayon sa natutuwang coach na unang sumalang sa Olympics kasama ang Italy women’s team. “But for me, we are just starting, we only played in this competition this year,”
Nitong Hulyo lamang naswak si Frigoni bilang coach bunga ng pasadong credential na ipinasa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ni President Ramon “Tats” Suzara.
Si Kissada Nilsawai ang itinanghal na Most Valuable Player ng first leg nang maipanalo lahat ng laro. Si Hendra Kurniawan ang First Best Middle Blocker, DioZulfikri -(Best Setter) ng silver medalist Indonesia, Thailand’s NapadetBhinijdee (First Best Outside Spiker) at TanapatCharoensuk (Best Libero) maging si Vietnam’s Pham Van Hiep (Best Opposite Spiker) ang kumumpleto sa mythical team.
Comentarios