top of page
Search
BULGAR

Alamin: Tips sa ligtas at matalinong pamimili

ni Mharose Almirañez | March 17, 2022




Napakasarap nga namang mamili online dahil bukod sa convenient, mayroon pang discount offers at napakaraming giveaway vouchers.


Kung baguhan ka lang sa online shopping o suki ng 12.12, 11.11, 4.4 at iba’t ibang pakulo ng mga online shopping apps ay tamang-tama ang article na ito para sa iyo.


Narito ang 10 tips para hindi mabudol o ma-disappoint sa biniling items online:


1. EXPECTATION VS. REALITY. Ipagpalagay nating bibili ka ng selpon. Unang-una, alamin mo muna ang specification ng gadget na pinaplanong bilhin. Manood at magbasa ng online reviews. Baka kasi sobrang taas ng expectations mo, tapos ma-disappoint ka lang kapag hawak mo na ‘yung actual item. Sabi nga nila, you get what you pay for its price.


2. ALAMIN KUNG ORIGINAL ANG ITEM. Sobrang dami na kasing nagkalat na imitation o counterfeit items online. Inirerekomenda kong mag-browse ka sa mga verified shop o du’n sa mayroong label na ‘preferred’ o ‘mall’. Ibig sabihin, mayroon silang physical store at branded items na kadalasang nakikita sa mga mall.


3. BASAHIN ANG REVIEWS. Ipagpalagay nating nag-add to cart ka ng size 6 na sapatos. Kadalasan ay mayroong tinatawag na American size at maliit ang sukat. Kung babasahin mo ang reviews mula sa ibang buyer na nakabili sa shop ng item na ‘yun, dito mo malalaman kung accurate ba ‘yung size 6 sa ‘yo o kailangan mong mag-adjust ng size na oorderin.


4. I-CHAT ANG SELLER. May ibang shop na bot o artificial intelligence, o naka-auto generated reply. Pinakamainam kung mismong seller o sales representative ang makakausap mo. Mayroon kasing seller na hindi nagse-send ng picture bago ipadala sa courier ang iyong parcel.


5. TINGNAN KUNG KAILAN GINAWA ANG ACCOUNT NG SELLER. Kaduda-duda kung kagagawa lamang ng seller sa naturang account. Puwede mo isiping dummy account ‘yun na ginawa para makapambiktima. Sila ‘yung mga scammer o seller na mabilis mag-delete at magpalit ng account kapag may buyer na kumagat sa marketing strategy nila.


6. I-TRACK ANG ORDER FROM TIME-TO-TIME. Nakakainip ang maghintay, ngunit mas nakakainip kung hindi mo alam kung nasaan na ‘yung hinihintay mo. Makikita ang progress ng iyong order sa “My Purchase” button. Narito ang portion ng To Pay, To Ship, To Receive, To Deliver at kung Completed na ang transaksiyon. Accessible rin ang mga link para ma-track kung nasaan na ang iyong parcel.


7. I-TSEK ANG ITEM BAGO BAYARAN. Kung puwedeng mag-unboxing ng parcel sa harap ng courier bago magbayad, why not, ‘di ba? Kundiman, siguraduhing naka-video ang pagbubukas ng parcel at walang putol sa clips para madaling mag-refund o mag-change item kung sakaling may problema sa natanggap na order.


8. MODE OF PAYMENT. Madalas ay cash on delivery (COD), pero paano kung bayad muna bago ang item? Tiyaking legit ang shop bago magbayad online dahil mahirap manghingi ng refund sa bogus seller.


9. ALAMIN ANG REASON FOR SELLING (RFS). Para ito sa secondhand items na mabibili sa ibang online shopping platform tulad ng Facebook Marketplace, OLX/ Carousell atbp. Halimbawa, bibili ka ng segundamanong laptop, tanungin mo si seller kung bakit niya ibinebenta ang laptop, kung gaano na ‘yun katagal sa kanya, kung gaano kabilis ma-lowbat, kung gaano karami ang dents at kung napa-repair na ba niya. Puwede ka ring makipagtawaran sa presyo, pero ‘wag na ‘wag kang bibili ng item na mukhang galing sa nakaw.


10. MEET UP KAY SELLER. Kailangang halfway ang meeting place at tiyaking matao ang lugar na pag-i-stayan n’yo. Kung electronics ang bibilhing gamit, siguraduhing may power outlet ang meet up place para maisaksak mo ang item. I-double check mo nang maigi ang lahat ng ports at pindutan. Hanapin ang warranty sticker at bilangin ang mga turnilyo dahil dito mo malalaman kung nabuksan o na-repair na ang item.


Maliban sa mga nabanggit, siguraduhin mo munang mayroon kang budget bago mag-add to cart. Hinay-hinay sa pag-place ng order dahil baka ma-surprise ka na lang sa sunud-sunod na cash on delivery parcel na biglang kumatok sa inyo. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page