ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| October 10, 2022
Para sa iba, hindi sapat na “employed” lang, kumbaga, bukod sa pagkakaroon ng trabaho, may iba pa silang target, at ‘yan ay ang promotion. Marahil, sila ‘yung mga tipo ng empleyado na sobrang focused sa career at talagang looking forward sa professional growth.
Kaya naman, kung isa ka sa mga career man/woman na nagnanais ng promotion, narito ang mga skills na makakatulong sa iyo:
1. COMMUNICATION. Ang pagiging good communicator ay malaking advantage, anumang trabaho o saanmang industriya ka napabibilang. Paano ba magiging good communicator? Una, matuto tayong makinig nang hindi nakakaistorbo sa nagsasalita. ‘Yun bang, nakapokus ka sa sinasabi ng iyong kausap at hindi ka basta-bastang sasabat. Gayundin, kailangang maayos o positibo ang tono ng iyong pananalita at bigyang-pansin ang body language ng iyong kausap.
2. NEGOTIATION. For sure, may mga pagkakataong kailangan mong makipag-negotiate pagdating sa trabaho. Halimbawa, nasa sales industry ka, paano ka makakakuha ng mga kliyente? Siyempre, kailangan mong pakinggan at maintindihan ang mga gusto ng potential client mo at pagkatapos nito, maaari ka nang mag-propose ng mga solusyon o puwedeng gawin, kung saan pareho kayong magbe-benefit, kumbaga, win-win.
3. RELATIONSHIP BUILDING. Mahalagang magkaroon ng strong relationship sa iyong mga katrabaho. Ang tanong, paano naman ito magagawa? Una, tumulong ka sa kanila nang walang inaasahang kapalit. Paraan na rin ito para maging bahagi ka ng growth ng iba. Gayundin, maghanap ka ng common ground o interests at mula rito, for sure na magkakaroon kayo ng bonding, na magpapatibay ng inyong co-worker relationship.
4. POSITIVE ATTITUDE. Bagama’t alam natin na hindi maiiwasan ang toxic habits sa workplace gaya ng pagma-Marites at pagra-rant, hindi ito dapat makasanayang gawin. Bukod sa nakakasira ito ng imahe, baka sa kaka-rant mo ay nadadamay na ang iba mong workmates, to the point na nadi-discourage na silang magtrabaho. Para magkaroon ng magaan na vibes sa workplace, dapat panatilihin ang positibong ugali. Iwasang magreklamo at magsalita ng masama tungkol sa ibang tao dahil hindi naman ito parte ng iyong job description.
5. TEAMWORK. Napakahalaga ng teamwork sa isang workplace at kapag nakatapos kayo ng task, kung saan lahat ay nag-participate, make sure na mabibigyan ng credit o mapapahalagahan ang effort ng bawat isa. Huwag kang manghinayang na magbigay ng compliments sa iyong mga ka-team dahil for sure, malaking bagay ito para sa kanila.
6. CONFLICT RESOLUTION. Bagama’t hindi naiiwasan ang mga problema pagdating sa trabaho, ang tanong, paano mo sosolusyunan ang mga ito? Gayunman, magandang paraan na matukoy kung saan nagmula ang problema, pero ipinapayo na magpokus kung paano ito sosolusyunan, gayundin, kung paano ito maiiwasan sa future. Isa pa, isantabi ang sisihan at galit dahil hindi ito makakatulong. Kung ikaw naman ang may kasalanan o naging sanhi ng problema, be brave and be accountable at ‘wag kalimutang humingi ng tawad sa iyong mga naapektuhan.
7. TIME MANAGEMENT. Ito ang isa sa mga pinakamahalagang skill sa lahat ng trabaho at saanmang industriya. Kailangang alam mo kung ano ang mga bagay na dapat iprayoridad at dapat tutukan. Siyempre, dapat marunong ka ring tumanggi sa mga gawain na puwede namang tanggihan, lalo na kung hindi ito sakop ng iyong duties and responsibilities.
8. WORK ETHIC. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan nating maging responsable, anumang klaseng trabaho o gaanuman kaliit na task ang nakaatang sa iyo. Kumbaga, dapat mag-commit sa nakatakdang deadline o sa mga napagkasunduang terms. Gayundin, iwasang isisi sa iba ang mga pagkakamali mo dahil posible itong ikapahamak ng iba.
Shoutout sa mga beshies nating super-sipag para ma-promote sa trabaho!
For sure, ginagawa n’yo ang lahat ng inyong makakaya to get that dream position, kaya bilang tulong sa inyo, make sure to take note sa mga skills na nabanggit sa itaas.
Bukod sa makakatulong ito para sa iyong career, for sure na may impact ito iyong personal growth.
Gets mo?
Comments