ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | September 16, 2020
Dear Doc. Shane,
Ang aking ama na edad 59 ay na-diagnose na may prostate cancer. Ano ba ang sanhi nito? Hindi pa siya nagpapa-opera mula noong nagsimula ang lockdown. – Jose
Sagot
Ang kondisyong ito ay hindi mapigilang pagdami ng mga abnormal na selula sa loob ng prostate gland—ang bahagi ng katawan na gumagawa ng likido para sa semen.
Mga sanhi:
Ang totoo, hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng prostate cancer. Ang tanging nalalaman ng mga siyentipiko ay dulot ito ng hindi mapigil na pagdami ng mga abnormal na cells sa prostate—tulad ng ibang mga uri ng kanser.
Ang mga normal na cells ay namamatay, samantalang ang mga abnormal na cells na nagdudulot ng kanser ay patuloy na nabubuhay. Sa patuloy na pagdami ng mga ito sa prostate, namumuo ang tumor hanggang sa kumalat ito at magdulot ng pinsala sa kalapit na mga laman.
Sintomas:
Hirap sa pag-ihi
Pananakit ng balakang
Pananakit sa pag-ihi
Pagkakaroon ng dugo sa semen
Kakulangan ng puwersa sa paglabas ng ihi
Pagkakaroon ng dugo sa ihi (hematuria)
Kawalan ng ginhawa sa gawing balakang
Pananakit ng buto
Hindi tinitigasan ng ari (erectile dysfunction)
Maaaring mapababa ang mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng prostate cancer sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
Kumain ng masusustansiyang pagkain na kagaya ng mga prutas at gulay
Palaging mag-ehersisyo
Pagpanatilihing sakto ang timbang
Ugaliing magpakonsulta sa doktor tungkol sa prostate cancer
Comments