top of page
Search
BULGAR

Alamin: Sanhi ng insomia

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 27, 2021





Dear Doc. Shane,


Mula ng mahiwalay ako sa aking asawa ay hirap na akong makatulog sa gabi. Kadalasan ay alas-3:00 na ng umaga ay gising pa ako, kaya sa trabaho ako inaantok. Hindi ako nagte-take ng sleeping pills dahil ayoko namang umasa sa ganun. – Mae



Insomnia ang tawag sa sakit kung saan nakararanas ng hirap sa pagtulog o kaya madaling maalimpungatan sa kalagitnaan ng pagtulog. Ang kakulangan sa tulog na dulot ng insomnia ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na gawain o kaya ay makaapekto rin sa kalusugan. Ang insomnia ay maaaring panandalian lamang na tumatagal ng ilang araw hanggang ilang linggo o pangmatagalan na umaabot ng isang buwan o higit pa.


Ang mga kaso ng insomnia ay maaaring dulot ng:

  • Isang karanasang nakapagdulot ng matinding stress

  • Iba pang karamdaman

  • Mga kaganapan sa paligid tulad ng malakas na ingay, liwanag, matinding init o lamig

  • Mga iniinom na gamot

  • Pagbabago sa nakasanayang oras ng pagtulog

  • Depresyon o matinding pag-aagam-agam

  • Sobrang pagkain sa gabi

  • Pag-inom ng mga inuming may caffeine at alcohol


Sino ang maaaring magka-insomnia?


Walang pinipiling edad o kasarian ang pagkakaroon ng insomnia. Ngunit, ayon sa pag-aaral, mas mataas ng bahagya ang pagkakaroon ng insomnia sa mga kababaihan. Ito ay maaaring konektado sa pagbubuntis o sa pagsapit ng menopausal period sa kababaihan. Mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng insomnia kung:

  • Ang edad ay 60 pataas

  • May depresyon, bipolar disorder at nakararanas ng trauma

  • Ang trabaho ay may pabagu-bagong oras o shifting schedule

  • Naglakbay ng matagal at nakararanas ng jetlag

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page