top of page
Search
BULGAR

Alamin: panahon kung kailan namulat at natutong magtanong ang mga tao

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 7, 2020



Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.

Sa nakaraang isyu, nakita natin na hindi kinaya ng buong mundo ang Black Death.


Gayundin, nasira ang talino ng marurunong at dalubhasa.


Tulad ngayong may COVID-19 pandemic, wala ring nagawa ang social distancing, pagsusuot ng facemask, face shield at ang palaging paghuhugas ng mga kamay.


Dahil tulad noon, isinabuhay din ito ng mga tao sa pag-aakalang kapag sinunod ang mga ito, sila ay makaiiwas sa Black Death. Pero wala rin itong pagkakaiba sa sitwasyon natin ngayon. Ibig sabihin, hindi naman nagbago ang mga patakaran kundi makikitang ginaya lang din ang panahon ng Black Death, kaya sa kabila ng mahigpit na health protocols, hindi naawat ang Black Death at COVID-19.


Mas grabe ngayon dahil bawal magsalita kapag nakasakay sa pampublikong transportasyon, bagama’t puwedeng gumamit ng cellphone, bawal ang tumawag. Pero patuloy ang pagdami ng bilang ng nagkakasakit.


Ang Black Death ay naitala sa history na Great Pestilence at ito ang pinaka-deadliest. Naitala na mula 75 milyon hanggang 200 milyong tao ang namatay.


Sa takot ng mga tao, maging ang mga kaparian ay ayaw bendisyunan ang mga bangkay. Sarado rin ang mga Simbahan at bawal bumista sa mga taga-Simbahan.


Sobrang nalito ang mga tao, lihim nilang kinuwestiyon ang kanilang mga relihiyon. Lihim din nilang kinuwestiyon ang pamahalaan, mga hari at namumuno na ang buwis na mula sa kanila ay hindi nakatulong para sa kalusugan ng mamamayan.


Ang mga tagapag-utos ay lihim din nilang kinukuwestiyon dahil ang mga patakaran na ipinipilit na sundin ng mga tao at may parusa sa lalabag ay tila walang magandang epekto dahil hindi naman naawat ang sakit.


Lihim lang ang mga ito dahil tulad ng nasabi na, bawal sitahin ang Simbahan, hari at mayayamang hawak ang ekonomiya.


Ito ang nakatanim sa kamalayan ng mamamayan kung saan ang kasalukuyang umiiral na batas, patakaran, aral at katuruan ay walang bisa at walang magandang naidudulot sa taumbayan.


Dito na muling nagsimula ang paboritong kataga ni Albert Einstein na “Do not be afraid to ask questions,” pero palihim lang. Ibig sabihin, hindi na napigilan ang mga tao na kuwestiyunin ang mga nangyayari at kahit sa sarili lang nila naitatanong ay nagsimula na rin nilang makita ang tunay na problema ng buong mundo.


Unti-unti silang nagigising at nagkaroon ng kalaaman sa mga bagay na tama, gayundin kung ano ang dapat gawin o isabuhay ng mga tao.


Lahat ay naranasan ang pagtatanong sa nangyayari, as in, sabi nila, “What is happening in our world?”


Ang iba ay nananatiling sa sarili na lang nagtatanong, pero may ilang nagkaroon ng lakas ng loob na labagin nang palihim ang mga kautusan at patakarang umiiral.


Kaya nakitang ang Dark Ages sa ating kasaysayan ay nagkaroon na ng katapusan at ito ay dahil sa paboritong kataga ni Einstein.


Dahil sa malakas na puwersa nito, siya ang nagsilang sa isa pang bahagi ng ating kasaysayan na “Renaissance Period.”

Itutuloy

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page