Alamin mula kay Señor... Senyales na may balak mag-suicide ang mahal sa buhay
- BULGAR
- Sep 20, 2020
- 2 min read
ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 20, 2020
Bigyang-daan natin ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkitil ng sariling buhay o suicide.
Nakaaalarma ang bilang ng mga nagsu-suicide sa buong mundo, lalo na sa ating bansa. Ito ay kinumpirma ng mga awtoridad ng ating pamamahalaan at inaayunan ng mga opisyales ng Simbahan.
On the ground o sa mismong mga pamayanan, ang mga nagsu-suicide ay regular nang balita sa mamamayan.
Bagama’t marami nagtangkang mag-suicide, ang ilan ay tuluyang namatay. Gayundin, may ilang hindi pa aktuwal na nagtatangka, pero may namumuong ideya sa kanilang isipan na sa hirap ng sitwasyon, kamatayan lang ang solusyon.
Ang mga palatandaan na nasa isip ng isang tao ang mag-suicide ay ang mga sumusunod:
Kitang-kita na buhay na buhay at masigla, pero minsan ay nasasabi niya na “I wish I hadn’t been born.” Ang tawag dito ay “slip of the tongue.” Kumbaga, parang wala siyang problemang iniinda, pero ang totoo, may dinadala siyang mabigat na suliranin.
Siya ay malakas tumawa, pero ang kanyang tawa ay hindi totoo. Ibig sabihin, habang siya ay tumatawa, walang saya ang kanyang mga mata.
Malakas kumain na parang hindi nabubusog at maya-maya lang, siya ay kakain nang kakain. Kumbaga, parang buntis na naglilihi sa isang klase ng bagay o pagkain ang gustong kainin.
Lakad nang lakad, pero wala namang pinupuntahan kaya balik lang din nang balik.
Paulit-ulit ang kuwento at ang bida ay walang iba kundi siya.
Ang mga nasa itaas ay medyo mahirap tukuyin dahil kailangan pang pag-aralan ang natural na personalidad ng tao. Gayunman, halos 100% na magsu-suicide ay ang mga sumusunod:
Sobrang haba ng Sloping Head Line at umabot na sa gilid ng palad.
Sobrang haba ng Slanting Head Line at umabot na sa bandang ibaba ng gilid ng palad.
Sobrang haba ng Heart Line na umabot sa gilid ng palad sa pagitan ng bahagi ng palad sa ibaba ng hintuturo at itaas ng hinlalaki.
Sobrang haba ng malalambot na daliri.
Mahirap hadlangan ang pagsu-suicide, pero kung makikita ang mga palatandaan, ang kailangan ay bigyang-saya at kung magagawa ito, masasabi o maihahayag niya ang lahat ng kanyang saloobin.
Kaya maganda kung maikukuwento niya ang kanyang naging buhay, kasalukuyang buhay at ang posibleng kanyang kinabukasan. Gayundin, ang kausap o pagkukuwentuhan ay dapat na nakatitig sa pagitan ng kanyang mga mata.
Kaya pang maalis ang kaisipan na suicide ang solusyon sa kanyang buhay kung pagtitiyagaan ng malapit sa kanya na magkaroon ng mahabang kuwentuhan. Kung puwede ay halos buong araw o pa-morningan ang kuwentuhan.
Mahirap paniwalaan ang nasa itaas, pero ang mga ito ay subok na at epektibo.
Good luck!
Comentarios