ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 7, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Muli nating buksan ang pahina ng kasaysayan ng mundo at medisina. Pabalik nating silipin ang “panahon ng paglalakbay” at ito rin ay tinatawag sa history na “The Age of Sail.” Ibig sabihin ng “sail” ay paglalakbay sa karagatan o sea travel. Gamit ang malalaking barko, sakay ang daan-daang tripulate at pasahero, maglalayag sila sa dagat ng mahabang mga araw at minsan ay inaabot ito ng maraming buwan.
Marami ang nagkakasakit ng “scurvy” na kadalasan, sa hanay ng mga tauhan ng barko ang tinatamaan. Naitala na marami ang namamatay dahil sa scurvy at ayon sa mga datos, 50% ng sailors ay puwedeng mamatay sa nasabing sakit at ito ay nakagugulat dahil ang ganu’ng bilang ng namamatay ay sa isang pagbiyahe lang.
Noong 1753, isang surgeon ng Royal Navy na si James Lind ay kinilala sa kanyang paraan ng paggamot sa scurvy sa pamamagitan ng pagkonsumo o pagkain ng citrus fruits. Maraming manlalayag ang nailigtas ng citrus fruits, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat ng lahat kay Lind.
Gayunman, noong 1795, ipinalit ni Gilbert Blane (mula rin sa Royal Navy), ang lemon juice sa citrus fruits.
Makikitang ang mga salitang “walang gamot” sa isang sakit ay ang pinakawalang kuwentang marinig dahil sinisira nito ang positibong kaisipan ng mga tao.
Bago natuklsan ni Lind ang citrus fruits, ayon sa kasaysayan ay muli, 50% ng manlalayag ang namamatay. Makikitang ang citrus fruits ay dati nang nand’yan, kumbaga, ang gamot pala sa scurvy ay naghihintay lang na madiskubre. Vitamin C nakagamot sa sakit na scurvy na noon ay nakakamatay.
Narinig mo na ba na ang Vitamin C din ang iniinom ng mga nagsigaling sa COVID-19 at ito ay patuloy nilang iniinom?
Narinig mo na ba na ang lahat ng mga doktor na nagpapayo sa mga tao na uminom ng Vitamin C dahil may COVID-19 sa paligid?
Gayunman, hanggang ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ng mga dalubuhasa sa kalusugan ang Vitamin C laban sa COVID-19.
Kahit hindi pa tapos pag-aralan ang pag-inom ng Vitamin C bilang panlaban sa COVID-19, maganda pa ring sumunod sa payo ng mga doktor na uminom nito.
Ang Vitamin C ay nasa mga prutas. Mayaman sa Vitamin C ang bayabas, lemon, orange at iba pang citrus fruits.
Hindi ka mahihirapang maghanap nito dahil araw-araw, may kalamansi sa mga palengke, ang orange at iba pa ay palaging ibinebenta.
Kung ang mga ito ay isa gamot sa COVID-19, ang sinasabing “Walang gamot sa Covid” ay mali, dahil ang nagsasabi nito ay hindi pa man isinilang sa mundo ay may mga kalamansi at orange na, as in, nauna ang mga prutas na nasabi kaysa sa COVID-19.
Itutuloy
Comments