ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 14, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Napakahirap labanan ang COVID-19. Habang nagsisikap ang pamahalaan at ginagawa na nila ang lahat ng kanilang alam gawin, mukhang wala pa rin itong epekto dahil dumarami pa ang mga nagkakasakit.
Sa ganitong sitwasyon, hindi tayo dapat sumuko o mawalan ng pag-asa. Ang mas maganda ay magkaroon tayo ng positibong kaisipan.
Bagama’t sa ngayon ay wala pang natutuklasang gamot sa COVID-19, mali pa ring sabihin na walang gamot para rito dahil ang mas tamang sabihin ay “Hindi pa natutuklasan ang gamot.”
Dahil dito, dumako tayo sa mga dakilang manunuklas na lumabas sa mundo, mas magandang sa kanila tayo kumuha ng gabay kahit umaasta ang ahensiya ng pamahalaan sa larangan ng kalusugan na parang sila lang ang nakaaalam sa mabuti at hindi mabuti.
Ang ganitong pustura ng pamahalaan ang nakikitang dahilan kaya hindi bumubuti kundi lumalala pa ang sitwasyon kaysa sa dati, partikular ang bilang ng mga nagkakasakit.
May isang tao na nabanggit na natin na ikinukonsiderang most influential physicist of the 20th century at siya ay si Albert Einstein. Siya rin ang pinakasikat na alagad ng agham dahil sikat na sikat ang kanyang pormula na “E = mc2.”
Sa kanyang panahon, ang umiiral na batas ng agham tungkol sa Law of Gravity ay kanyang kinuwestiyon dahil may nadiskubre siyang mas tama. At habang siya ay nag-aaral sa mga batas ng pisika, nadiskubre niya ang nasabing pormula.
Kung ngayon ay ganito ang mangyayari, tiyak na si Einstein ay pagtutulungang salungatin ng umiiral na sistema, lalo na ng pamahalaan na umaasa lang naman sa ahensiya ng agham at kalusugan.
Kung bakit may pinaniniwalaang Law of Gravity, tapos may darating at sasabihing may ibang Law of Gravity, at malamang na sa kulungan pupulutin si Einstein.
Ang kanyang pormula na “E = mc2” ay hindi naman gaanong sinalungat ng mga akala ay marunong sila dahil sa Law of Gravity ni Einstein, sa huli, siya ay pinaniwalaan din ng maraming dalubhasa.
Marahil, alam na nila ang kanilang aabutin kung kokontrahin nila si Einstein kung saan sila ay mapapahiya lang.
Wala pang nakaaalam noon ng “E = mc2” kundi si Einstein lang. Ang “E” ay para sa Energy at ang “m” ay para “mass” o bagay at ang “c2” ay equal sa speed ng liwanag. Sa Ingles, ang E = mc2 ay Energy = mass times the speed of light squared.
Pero ang totoo, ang “E = mc2” ay sa mundo lang naman ng agham o siyensiya sikat dahil ang mga pangkaraniwang tao ay wala namang pakialam dito. Masyado itong teknikal para magustuhan ng maraming mamamayan, lalo na sa mundo ng social science at social media.
May isa pang sikat na kaisipan mula kay Einstein at ito ay mas sikat sa “E = mc2” at mas gustung-gusto ng mga tao at kailangang isabuhay ng mga taga-pamahalaan, namamahala sa larangan ng kalusugan at dalubhasa na naghahanap ng panlaban o gamot sa COVID-19.
Ito ay ang “Do not be afraid to ask question,” ang mga salitang ito ay mula mismo kay Einstein at dito rin siya nabubuhay. Kumbaga, isinasabuhay niya ang kanyang sinabi na “Do not be afraid to ask question.”
Ano ang kabuluhan nito para sa ating lahat, lalo na ngayong nilalabanan natin ang mahiwagang COVID-19?
Itutuloy
Comments