top of page
Search
BULGAR

Alamin: Mga panuntunan sa bagong quarantine scheme sa Metro Manila

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021



Provisionally approved" na ang mga panuntunan sa quarantine alert level system na ipatutupad sa Metro Manila simula Setyembre 15.


Ito ay matapos muling isailalim sa modified enhanced community quarantine ang Kamaynilaan.


Dalawang quarantine classification lang ang gagawin sa mga lugar na sakop ng Metro Manila; ang ECQ at GCQ, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Magkakaroon daw ng apat na alert level ang pagpapatupad ng GCQ:


Sa Alert Level 4, o pinakamataas na alert level, bawal ang mga sumusunod:


* Mass gathering

* Indoor dining

* Personal care services

* Paglabas ng mga nasa edad 18 pababa at mga 65 pataas, mga may comorbidity at buntis.


20% lang din ang magiging kapasidad ng mga opisina ng gobyerno sa level na ito.


Sa Alert Level 3, papayagan ang "three C activities" o ang mga aktibidad na gagawin sa crowded na lugar, may close contact, at nasa closed o indoor areas nang may 30% capacity.


Nasa 30% naman ang papayagang capacity sa mga government office sa level na ito.


Kung Alert Level 2 naman ay papayagan ang 50% capacity, at full capacity naman kung Alert Level 1.


Nasa 50% naman ang papayagang capacity sa government offices sa alert level na ito.


Minimum onsite capacity naman ang paiiralin sa mga pribadong negosyo. Pero papayagang pumasok ang mas maraming empleyado sa Alert Level 1.


Mayroon daw option ang IATF na magdeklara ng mas mahigpit na lockdown sakaling tuluyang lumala ang sitwasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page