top of page
Search
BULGAR

Alamin: Mga Dos and Don’ts ng mag-asawang gustong umunlad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 14, 2023


KATANUNGAN

  1. Matagal na akong sumusubaybay sa kolum n’yo, kaya naisipan ko ngayong magpaanalisa.

  2. May sloping Head Line ako, o medyo nakakurbang pabilog ang dulo ng guhit ng aking palad. Sabi n’yo kasi dati, dapat straight ang Head Line dahil sila ang mga taong yumayaman. Kung hindi yayaman ang may sloping o pakurbang pabilog na Head Line, ano’ng mangyayari sa kanyang kapalaran, lalo na pagdating sa career?

  3. Sa ngayon, nag-a-apply ako sa abroad. Ang pinoproblema ko, kapag natuloy ako, sino ang mag-aasikaso sa mga bata? Ngayon kasi, nagtatrabaho rin ang misis ko bilang guro at sabi niya, kahit nasa abroad na ako, hindi pa rin siya magre-resign sa pagtuturo dahil sayang ang benepisyo na matatanggap niya kapag nasa retirement age na siya.

  4. Kaya ngayon, kahit may aplikasyon ako sa abroad, nagdadawalang-isip pa rin ako kung tutuloy ako o hindi?

  5. Sa palagay n’yo, may maganda bang pag-a-abroad ang nakalaan para sa akin? At kahit sloping ang aking Head Line, puwede rin ba kaming yumaman?

KASAGUTAN

  1. Tulad ng kasalukuyan mong attitude sa buhay ang nais ihayag ng sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Mas nauuna ang negatibong pag-iisip kaysa ang magandang mangyayari sa hinaharap.

  2. Isang kongkretong halimbawa ang iniisip mong pag-a-abroad dahil hindi ka pa man natutuloy, sari-saring negatibong bagay at pag-aalinlangan na agad ang pumapasok sa iyong isipan kung saan dahil sloping ang iyong Head Line (H-H arrow a.), na ang ibig sabihin ay imbes na lumawak ay unti-unting dumidikit o lumalapit sa Life Line (arrow b.) ay nangangahulugang malayo na sana ang narating at naabot mo kundi lamang masyado kang “self-conscious” sa mga binabalak, iniisip at ginagawa mo.

  3. Dagdag pa rito, hindi lang masyadong “self-conscious”, bagkus, ang mas masaklap pa nito ay katitingin at kapapansin mo sa maaaring mangyari, mas nauuna mong nakikita at pumapasok sa isipan mo ay mga negatibong senaryo. At ang pagiging metikolosong ito ay pinalala pa ng zodiac sign mong Virgo. Tanda na dahil sa pagiging perpeksiyonista, mas nakikita nila ang maliit na mantsa sa kulay puting damit kaysa ang kabuuang kulay at ganda ng nasabing kasuotan.

  4. Sa madaling salita, kapag hindi ka nagbago ng pananaw o attitude sa buhay, tulad ng nasabi na, malayo na ang nararating ng mga kasabayan mo at mga kaibigan mo, kayo naman ni misis ay isang kahig at isang tuka pa rin o kaya naman mayayaman na ang mga kasabayan mo. Pero, kahit dalawa pa kayo ni misis na nagtatrabaho mahirap pa rin kayo at maraming utang. Paano nga kasi, masyadong negatibo ang pananaw mo sa halos lahat ng sitwasyon at pangyayaring dumarating sa inyo.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Allan, kapag hindi mo naiwaksi sa iyong isipan ang pag-aalala at alinlangan sa iyong sariling kakayahan kahit patuloy na magturo sa public school si misis at makapag-abroad ka rin, hindi pa rin kayo yayaman.

  2. Sa kabilang banda, tandaan mo na magsisimula lamang kayong yumaman sa sandaling naging positibo at praktikal ang laman ng iyong isipan at kapag mas tinitingnan mo nang mas maganda ang bawat pangyayari sa inyong buhay, unti-unti na ring dumiretso ang sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, hanggang sa unti-unting magbalik sa tamang direksyon — ang pagiging tuwid na Head Line (arrow c.) na nagbabadya ng walang dudang pag-unlad hanggang sa tuluyan na ring yumaman ang inyong pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 32 pataas.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page