ni VA / MC @Sports | December 29, 2022
Idinaos ang 31st Southeast Asian Games noong Mayo at unang naka-gold medal si no. 10. Francine Padios sa pencak silat sa Hanoi, Vietnam. Sumunod sa gintong medalya si Jackielou Escarpe sa Kurash.
Bumanat ng 5 gold si Carlos Yulo sa men's all around ng gymnastics, rings, floor exercise, vault at bars, nanguna sa women's gymnastics para sa ginto si Aleah Finnegan. Gold medalist sina kickboxers Jean Claude Saclag at Gina Iniong- Araos.
Gold-silver finish ang triathletes na sina Fernando Casares at Kim Remolino. Double gold si woman triathlete no. 11 Kim Mangrobang. Ginto si Agatha Wong sa taolu event.
Gold si Merwin Tan sa men's singles ng bowling. Apat na ginto naman ang dancesport no 4. Gold din sa taekwondo si Lyn Ortiz Ninobla sa women's individual poomsae. Sa swimming team, nasungkit sa pangunguna ni Chloe Isleta ang gold sa 200-m backstroke.
Naka-2 gold sa hurdles si no. 12. Clinton Bautista.
Ika-7 ginto ang nasungkit ni no. 13 Eric Shawn Cray sa 400-m hurdles. Si Kyla Richardson ay gold sa women's 100m. Champ din si Kurt Barbosa sa muay thai. Namayani rin ang Pinay Archers sa recurve.
Naka-2 gintong medalya ang no. 5 team GrindsKy Eris o women's Sibol at no. 6 Blacklist sa E-sports. Napanatili ni Hidilyn Diaz ang gold sa weightlifting. Hinamig ng PHL tennis ang gold-silver at naka-3rd gold ang LOL.
Tatlong boksingero na sina no. 13 Eumir Marcial, Bautista at Rogen Ladon ang naka-ginto habang nagkampeon ang no. 7 Gilas Women sa 5x5. Sa closing ceremony ng SEAG nakahabol ng gold sa muay thai si Philip Delarmino. Nag-4th overall ang Pinas sa 52 ginto, 70 pilak at 105 na tansong medalya sa Vietnam.
Ginto rin si no. 14 Rubilen Amit sa 9-ball singles. Ikalawa niya itong SEAG gold medal ito.
Nag-gold-silver finish naman ang tambalan nina no. 8 Carlo Biado at Johann Chua.
Bronze medalist ang Gilas sa 3x3. Nag-sorry naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas nang maka-bronze lamang ang Gilas men's 5x5 nang talunin ng Indonesia at maputol ang 13 taon na paghahari sa Timog Silangang Asya bilang pinakamahusay sa larong ito.
Makaraan nito ay nagpamigay na ng insentibong cash bonuses na P11-M ang Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission sa mga naka-gold, silver at bronze medalist sa 31st SEAG. Kasunod ng P52-M pa na ipinamigay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga atletang dumalo sa courtesy call sa Malacañang.
Naka-gold at silver sa Asian Disability chess online si no. 14 Jasper Rom. Ginto rin sa Sambo si Chino Sy Tancontian sa Indonesia.
Sa ilang malungkot na balita, sa kalagitnaan ng 2022 ay nag-break naman ang magnobyong superstar na sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena. Ang no. 1 women golfer naman na si Yuka Saso ay nagpasyang lisanin ang 'Pinas upang katawanin ang Japan.
Nagka-problema naman ang PATAFA at no. 2 world rank pole vaulter Ernest John "EJ" Obiena dahil sa umano'y liquidation ng allowance ng atleta, bagamat humaba ang usapan nagawang maka-2 gold ni Obiena sa Orlen Cup, Poland.
Makaraan naman ang 35-taon ay nagpaalam na ang Alaska Aces team sa PBA at ipinalit sa kanila ang Converge Fiberxers. Kinabog naman ang Philippine Basketball Association dahil sa talamak na 'poaching' o ang pag-recruit ng local players para maglaro sa ibang bansa.
Comments