ni Nitz Miralles - @Bida | January 17, 2022

Aliw ang reaction ni Regine Velasquez na “Alam na nila” sa pagkakasali ng pangalan niya sa New Top 39 Marites sa Pilipinas.
Kahit hindi naman siguro si Regine Velasquez ang tinutukoy, nakakaaliw pa rin. Number 29 ang name na “Regine” sa listahan at naging daan ito ng kantiyawan at tawanan.
Si Vina Morales, tuwang-tuwa na wala ang pangalan niya, pero bakit walang lalaki na nasali?
Ang dami ring tsismosong lalaki at gusto naming malaman kung sino ang gumawa ng listahan.
Comments