top of page
Search
  • BULGAR

Alam na this! KIM, TINAWAG NA ‘BABE’ NI PAULO

ni Beth Gelena @Bulgary| July 15, 2024



Showbiz News


How true na narinig umano ng isang fan ni Paulo Avelino na tinawag ng aktor si Kim Chiu na “Babe”? 


Ito ngayon ang bagong isyu na kumakalat sa social media platforms. 


Well, swak ang naging love team ng KimPau mula nang magsama sila sa Linlang at What’s Wrong with Secretary Kim. Maraming pinakilig ang dalawa kahit saan sila magpunta.


Dahil dito, bawat kilos nila ay pinupuna ng mga netizens kaya nabigyang-kulay na nagkakamabutihan na umano sila. 


Wala namang kumpirmasyon sa KimPau dahil ngiti lang ang sagot ng mga ito kapag may mga nagtatanong. 


Masyado kasi silang sweet sa likod at harap ng camera kaya ang espekulasyon ng kanilang mga fans ay may something na sila. 


Sa recent episode ng Showbiz Update, ang YouTube (YT) showbiz talk show ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz kasama si Mama Loi, sa isang fan page ay naka-focus daw ang ishinare niya about KimPau. 


“Kahit naka-mask ka pa, Pau, clearly we heard it ‘yung pagtawag mo kay Kimmy ng Babe!”

Hindi naman daw kasi common na tawagin na “Babe” ang isang kaibigan.


Ayon naman kay Mama Loi, kapag nagtawagan na ng Babe ang guy at girl, may namumuong relasyon na ang mga ito.

“Wish ko na lang, sila ang magkatuluyan,” ani Ogie.


 

SUCCESSFUL ang Believe birthday concert ni Belle Mariano na ginanap sa Solaire last Saturday night. Sobrang kinilig ang mga fans sa ginawang performance ng kanilang idolo kasama ang kanyang love team na si Donny Pangilinan. 


Belle Mariano

Ang highlight ng concert ay nang napa-wow ang audience kina Belle at Donny sa kanilang dance performance sa iconic film na Dirty Dancing, set to (I’ve Had) The Time of My Life.


Na-excite at hinangaan ng audience ang pagpapakitang-gilas ni Donny sa kanyang musical talent by playing the piano, habang nagdu-duet sila ni Belle ng sarili nilang rendition ng kanta ng Bini na Huwag Muna Tayong Umuwi at ang theme song ng kanilang hit series sa Can’t Buy Me Love, ang You’ll Be Safe Here.


Guest ni Belle that night sina Martin Nievera, Moira Dela Torre, at Denise Julia.

Ani ng young singer-actress, “I never thought other people would believe in my music, pero kayo, grabe kayo.” 


Aniya pa, “Pangarap ko lang ‘to dati pero alam n’yo, before other people would believe in you, kailangan mo rin palang maniwala sa sarili mo and now, I finally know what I was made for. I was made to perform and deep in my heart, I hope that I can inspire more people and believe it or not, guys, I’m so blessed na I’m one of the creative producers ng concert.” 


Bongga!


 

MAY post si Xyriel Manabat ng selfie pic sa kanyang Instagram (IG) page at isa si Zaijian Jaranilla sa mga agad na nagkomento.


Pabirong sabi ng aktor, “Ganda-gandahan ka na naman. Dzai, magtrabaho ka.” 

Sagot ng dalaga, “Pagandahin kita, eh.”


Sina Xyriel at Zaijian ang dating mag-partner sa unang serye nilang Senior High, kung saan magdyowa ang dalawa but later on ay may pusong-babae pala ang aktor kaya sa sequel ng kanilang serye na ngayon ay High Street ay sina Migz Jimenez at Zaijian na ang magka-love team. 


Sina Xyriel naman at Elijah Canlas ay nagkaroon ng hindi planong relasyon dahil nang malaman ng aktres na bading ang dyowa niya ay naging shoulder to cry on niya si Elijah. 


Sa sequel ay nagkaroon na ng anak sina Elijah at Xyriel. 


Anyway, agad na nag-viral ang stunning photo ng aktres at nakatanggap ng mga positibong komento mula sa mga netizens. 


Samantala, habang tumatagal ay lalong nagiging thrilling panoorin ang High Street.

Tuluyan na bang mawawala si Mon Confiado bilang si Governor Acosta? 


Sa last episode kasi nu’ng Friday ay tila nalason ang mahusay na aktor at sa teaser na ipinakikita ay sobra nang nagiging salbahe si Dimples Romana. Siya na kaya ang magiging kalabang mortal ni Sky (Andrea Brillantes)? 


Ayon sa mga netizens, inaabangan nila ang karakter ni Dimples dahil ibang atake naman daw ang gagawin ng aktres sa seryeng ito. 


Well, kung marami ang nainis at nagalit daw sa kanya sa Kadenang Ginto, dito ay lahat ng mga kasamahan niya sa serye ay napaikot niya sa kanyang palad.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page