ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 18, 2025
Photo: Richard Gutierrez - Ogie Diaz YT
Ayaw nang magpaapekto pa ni Richard Gutierrez sa mga bashers na nagsasabing dapat daw ay “The Cheaters” ang title ng bagong serye sa ABS-CBN na Incognito.
Isa sa mga bida ng naturang action series si Chard kasama sina Daniel Padilla, Anthony Jennings, Maris Racal, Ian Veneracion, Baron Geisler at marami pang iba.
Sa latest episode ng vlog ni Ogie Diaz kung saan ay guest niya si Richard, isa sa mga tanong sa aktor ay “Hindi ba kayo napikon doon sa isyung nagsasama raw ang mga cheaters?”
Sagot ni Chard, “Alam mo, ‘yan ang hirap ngayon sa internet. Actually, ang daming fake news. ‘Yung ibang tao, may masabi lang, ‘di ba?”
Patuloy niya, “Tulad nu’n, ‘yung binansagan kami na parang mga cheaters daw kami. Hindi naman nila alam ang bawat kuwento ng nangyari. Gusto lang nilang mag-trending.”
Ayon sa aktor, sana raw ay maging maingat din ang mga netizens sa mga sinasabi.
“Naiintindihan ko naman na ‘yung mga tao ngayon, very active sa social media. Pero sana, siyempre, ingatan din nila ‘yung mga words nila, ‘yung mga sinasabi nila,” aniya.
“Pero ako honestly, hindi ko na rin masyadong pinapansin o pinapaapekto sa akin ‘yung mga ganu’n. Kasi ‘yung mga taong kilala ko, ‘yung mga pamilya ko, mga kaibigan ko, alam naman talaga nila ‘yung totoo at alam nila kung sino ako,” dagdag pa ni Chard.
Pero ‘yung mga younger generation nga raw ay nagpapaapekto talaga sa mga comments.
“Like may isa akong kasamahan nga sa Incognito na naapektuhan sa mga comments, ganyan. And then, pinayuhan na lang namin siya na ‘‘Wag mo munang basahin ‘yung comments.’ Kasi karamihan diyan sa comments, ‘pag hindi maganda ang sinasabi, usually, hindi naman nila alam ‘yung totoong kuwento,” anang aktor.
Pero most of them, tinatawanan na lang daw nila ang mga issues. Bale ba, halos lahat silang cast ay nasangkot sa iba’t ibang mga kontrobersiya.
“Actually, natatawa talaga kami sa mga nangyayari kasi parang sunud-sunod. Tapos, you know, bawat parang cast member, naiisa-isa ru’n sa mga intriga.
“Pero wala, tinatawanan na lang namin. Siyempre, nagbibigay din ng advice, nagbibigay din ng konting words of wisdom kung kaya. Pero para sa amin, tuloy ang trabaho, tuloy ang passion namin para du’n sa project and tuloy ‘yung samahan namin,” pahayag ng aktor.
GIGIL at galing ang ipapamalas ng mga mananayaw sa Time To Dance (TTD), ang bagong dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nina Gela Atayde at Robi Domingo, na ipapalabas ngayong Sabado (Enero 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Sa nakaraang mediacon para sa naturang show last Thursday (Enero 16), ikinuwento ng New Gen Dance Champ na si Gela ang rason kung bakit ginawa ang TTD.
“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens, ‘yung mga kulang, ‘yung mga sobra. Here in Time To Dance, I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire.
“Nabuo ang TTD because of the heart and passion na nakita nila sa ‘kin,” sabi ni Gela.
Ibinahagi niya ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga mananayaw na may iba’t ibang edad, karanasan at pisikal na abilidad.
Naikuwento niya rin na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.
Samantala, pinuri ni Robi ang hosting skills ni Gela, na isang first-time host.
“Kitang-kita kay Gela ‘yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin ‘yun sa kanya,” komento ni Robi.
Binigyang-diin din ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng TTD na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa.
Sinabi niya rin na ang show ay “More than just a competition.”
Sa pilot episode ng show ngayong Sabado (January 18), ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community.
Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.
Comments