top of page
Search
BULGAR

Alagang senador, isinugod sa ospital… LOLIT KAY BONG: AKO DAPAT ANG MAUNA SA 'YO!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 2, 2022



Natakot nang husto si Manay Lolit Solis nang mabalitaan niyang itinakbo sa hospital si Senator Bong Revilla, Jr. dahil sa pananakit ng dibdib at tiyan.


Base sa IG post ni Manay Lolit ng larawan ni Sen. Bong kahapon nang umaga, “Scary ang dating sa akin ng balita na isinugod si Bong Revilla sa hospital, Salve.


“Alam mo na isa si Bong Revilla sa mga mahal na mahal kong alaga. Napakabait at napakalaki ng puso ni Bong sa mga tao, kaya people friendly siya. Madaling lapitan, hindi namimili ng kausap, talagang sincere sa pakikipagkaibigan.


“Kaya mabuti na lang at isang minor stomach pain lang pala ang dahilan, pero mabuti at na-diagnose agad.


“Dapat talagang ingatan ni Bong ang kanyang health, napakarami pa niyang dapat gawin at magagawa, kailangan niya ang malusog na katawan para maharap ang trabaho.


“Saka tandaan mo, Bong, na isa ka sa mag-aalaga sa akin, kaya ako dapat mauna sa iyo 'noh, wala kang karapatan mauna sa akin.


“Promise mo 'yan, tuparin mo. Kundi, magagalit ako. Stay healthy and strong always, my ever favorite Bong Revilla, promise.”


Tama, inanunsiyo nito na binilinan daw ni Sen. Bong ang mga doktor ni Manay Lolit na gawin ang lahat para gumaling ito at siya na ang bahala sa lahat ng babayaran.


Bukod kasi sa pagiging manager ni Manay Lolit ay itinuring din siyang ikalawang ina nina Senator Bong, asawang si Congresswoman Lani Mercado-Revilla at ng mga anak nila.


Naniniwala naman kami talaga na malaki ang puso ng nasabing senador dahil marami na kaming kasamahan sa trabaho ang natulungan niya at ang huli nga ay ang kanang-kamay at itinuring na miyembro rin ng pamilya ni Nanay Cristy Fermin na si Japs Gersin na kasalukuyang nasa Diliman Hospital simula pa nu'ng Agosto.


Abut-abot ang pasasalamat ni Nanay Cristy sa kanyang Cristy Ferminute radio show sa pagbibigay ng ‘guaranteed letter’ ng opisina ni Senator Bong sa Diliman Hospital.


Siyempre, ang kapamilya at right-hand ni Sen. Bong na si Portia Ilagan ang dahilan kaya nalaman nitong nasa hospital si Japs na pinasalamatan din ni Nanay Cristy.


Hangad po namin ang agarang paggaling nina Japs Gersin at Sen. Bong Revilla, Jr..


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page