top of page
Search
BULGAR

Alagang PhilHealth: PhilHealth coverage para sa hemodialysis mas tumaas pa, P6,350 na kada sesyon!

by Info @Brand Zone | Oct. 11, 2024



Alagang PhilHealth

Benepisyo ng PhilHealth para sa hemodialysis lalo pang tumaas! Mas mataas na ang sasagutin ng PhilHealth para sa mga kababayan nating nagpapa-hemodialysis. Bukod pa ito sa pagpapalawig ng coverage mula sa dating 90 sessions na ngayon ay 156 na ang sagot ng PhilHealth. Simula October 1, 2024, P6,350 na ang package para sa hemodialysis! Nauna na itong itinaas noong July 1 sa P4,000 mula sa dating P2,600. Sumatotal, higit doble na ang naging increase sa benepisyo kada sesyon!


Ang benepisyo para sa dialysis ay magagamit ng mga pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5 o CKD5. Sa kabuuan ay aabot sa halos P1 milyon sa buong taon ang maaaring ma-avail ng mga hemodialysis patient. Kinakailangan lamang ay nakarehistro sa PhilHealth Dialysis Database (PDD) ang pasyente para magamit ito. Kaya panawagan ng PhilHealth, makipag-ugnayan agad sa dialysis clinic para mairehistro sa PDD at magamit ang pinagbuting benefit package.


Nakalulungkot isiping isa ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng CKD. It ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa. Batid ng PhilHealth ang gastusing kaakibat ng mga nagda- dialysis, lalo na 'yung mga CKD5 patients na hanggang tatlong sesyon kada linggo ang kailangan. Kaya naman pinalawig ng PhilHealth ang coverage para masigurong buong taon ay may pantustos ang mga pasyente sa kanilang gamutan.


Covered ng pinagbuting benefit package ang lahat ng supplies, laboratory tests, drugs and medicines, at iba pang sebisyong medikal na kaakibat ng pagda-dialysis. Malaking tulong ito para masigurong tuluy-tuloy ang pagbuti ng kundisyon ng mga pasyente n wala nang aalalahanin sa gastos sa kanilang pagpapa-dialysis.


Hindi lang 'yan, kasama rin sa benepisyong PhilHealth ang Z Benefits para sa Kidney Transplantation. Sa katunayan, P600K ang sagot ng PhilHealth dito para sa surgery, professional fees, at iba pang gastusin sa ospital. Maaaring magtungo sa mga ospital na contracted ng PhilHealth para sa Kidney Transplantation. Sa kasalukuyan, 25 ospital na ang contracted para rito na pwedeng puntahan.


Bukod sa Kidney Transplantation, kasama rin ang Z Benefit para sa Peritoneal Dialysis. 30 ospital naman ang contracted ng PhilHealth para rito. Ito ay isang alternatibo sa hemodialysis. Isa rin itong paraan para alisin ang excess fluids at nakalalasong toxins sa kidney. Abangan pa ang mga susunod na anunsyo sa pagtataas ng Z Benefits packages. Kaya isa na manan itong magandang balita para sa ating lahat!


Tandaan, Huwag matakot sa pagpapagamot dahil sagot ka ng PhilHealth!


Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588

PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS

PhilHealth



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page