top of page
Search
BULGAR

Alagang PhilHealth: Patuloy na pagpapabuti ng mga benepisyo: Sagot ng PhilHealth sa Severe Dengue, P47,000 na!

by Info @Brand Zone | Dec. 13, 2024



Alagang PhilHealth

Noong 2022, P98 milyon ang ibinayad ng PhilHealth para sa higit 6,300 claims ng severe dengue. Patunay na ang naturang sakit ay isa sa mga nagpapahirap sa ating mga  kababayan. Dahil sa gastusin para sa pagpapagamot, minarapat ng PhilHealth na taasan ang coverage nito para sa severe dengue sa  dating P16,000. 


Simula November 1, 2024, lahat ng  ma-a-admit dahil sa severe dengue ay makagagamit ng benefit package na nagkakahalaga ng P47,000! Sakop nito  ang bayad para sa room and board, mga gamot, professional fee ng mga duktor, at mga laboratory tests para matukoy na ang pasyente ay apektado ng severe dengue. Ito ay magagamit sa PhilHealth-accredited  public at private Levels 1 to 3 hospitals. 


Ang pagpapalawig ng coverage para  sa severe dengue ay bahagi pa rin ng  kampanya ng PhilHealth na maibsan ang gastusin ng mga pasyente para sa  pagpapagamot.


Matatandaang itinaas din ng PhilHealth ang halaga ng benepisyo para sa acute stroke, pneumonia high risk, neonatal sepsis, bronchial asthma, at marami pang iba nang higit doble para suportahan ang mga Pilipino sa  kanilang gamutan. Bukod pa rito ang 30%  adjustment sa All Case Rate packages para sa higit 9,000 medical conditions  at surgical procedures na covered ng PhilHealth. 


Paalala para sa mga pasyente: Walang dagdag-bayad kung mako-confine sa  basic o ward accommodation ng mga  ospital. Ibig sabihin, sapat na ang bagong Case Rate na P47,000 para sa buong  gamutan ng pasyente. 


Magkakaroon na lang ng karagdagang  bayarin kung pipiliin ng pasyenteng ma confine sa private room na mayroong aircon at sariling banyo, gumamit ng mga serbisyong hindi kailangan sa paggamot ng severe dengue, o pagpili ng mga  duktor na gagamot sa kaniya. 


Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang ipaliwanag ng ospital ang anumang  

karagdagang bayarin sa pasyente bago pa siya ma-discharge. 


Makaaasa ang lahat na hindi titigil ang PhilHealth sa pagpapaganda ng mga programa, benepisyo, at serbisyo ng National Health Insurance Program. Ito ay hango na rin sa mandato ng Universal Health Care Act na pagbutihin pang lalo ang financial coverage sa mga Pilipino sa kanilang pagkakasakit.


 

ANUNSYO 


Lahat ay makakagamit ng coverage para sa 156 session ng hemodialysis ang mga  kababayan nating may Chronic Kidney Disease Stage 5 o CKD5 na aabot sa halos P1 milyon! Sa bisa ng PhilHealth Circular No. 2024-0023, muling itinaas ng PhilHealth ang coverage sa  hemodialysis simula October 9, 2024. Mula sa dating P4,000, ngayon ay P6,350 kada session  na ang sagot ng PhilHealth! Matatandaang nauna nang pinalawig ang benepisyo noong July  1, 2024 sa P4,000 mula sa P2,600. Dahil dito, talaga namang damang-dama


 

Para sa  listahan ng mga contracted hospitals:  

https://www.philhealth.gov.ph/partners/ providers/facilities/contracted/


Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588

PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS

PhilHealth



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page