by Info @Brand Zone | Feb. 14, 2025

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Pebrero ang National Health Insurance Month kung saan nilalayong palakasin at pasiglahin ang kamalayan ng mga Pilipino sa mahalagang papel ng segurong pangkalusugan.
Ngayong taon ay pinagdiriwang din ang ika-30 anibersaryo ng PhilHealth na itinatag upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng programa at tiyaking bawa't Pilipino ay nakaseguro ang kalusugan sa panahon ng kanilang pangangailangang medikal.
Ang tema ng selebrasyon ay "PhilHealth @ 30: Panatag Kami Dito". Nakatuon ang tema sa patuloy na dedikasyon sa pagpapalawak at pagpapahusay ng mga benepisyo upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng sambayanang Pilipino.
Patunay sa nagdaang taon ay napakaraming pinagbuti, pinalawak at bagong mga benepisyo ang ipinatupad ng PhilHealth. Kagaya ng pagtaas ng 95% sa mahigit na P9,000 case rates packages, gayundin ang Z benefits para sa Breast Cancer na tumaas ng 1,300 porsyento mula P100,000 hanggang P1.4 milyon, Kidney Transplant mula P600,000 na naging P2.1 milyon na, at Peritoneal Dialysis mula P270,000 na ngayon ay aabot na sa P1.2 milyon kada benepisaryo.
Pinagbuti rin ang mga pakete sa stroke, high-risk pneumonia, hika neonatal sepsis, malubhang dengue, atake sa puso (angioplasty) at operasyon sa katarata. Pinalawak ang hemodialysis sessions kada taon sa 156 mula sa dating 90 sessions, pagtataas ng bayad mula P2,600 hanggang P6,350 kung saan ang bawat pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5 ay maaaring maka-avail ng aabot sa halos isang milyong piso kada taon.
Nagpatupad din ang PhilHealth ng mga bagong benepisyo gaya ng emergency care package, outpatient therapeutic care benefits package para sa Severe Acute Malnutrition, outpatient mental health services, preventive oral health services at coverage para sa salamin sa mata para sa mga batang hanggang 15 taong gulang.
Pinalalakas din ang Konsulta Package, ang primary care services ng PhilHealth upang maagapan at hindi na lumala ang sakit dahil sakop nito ang health screening and assessment, konsultasyon, laboratoryo at gamot at medisina ayon sa rekomendasyon
ng duktor. Ngayon ay pumalo na sa P1,700 ang budget ng PhilHealth sa bawat pasyente kada taon. Kaya gamitin natin ito!
Nabago na din ang panuntunan sa paggamit ng benepisyo sa paulit-ulit na confinement. Ngayon maaari nang makagamit ng benepisyo ang mga miyembro kung sila ay mao-ospital dahil sa pabalik balik na sakit.
Sa aming ika-30 taong anibersaryo ay patuloy ang PhilHealth sa pagsisikap na maisagawa ang mas mahusay epektibo, de-kalidad at abot kayang serbisyong pangkalusugan.
Sa pangunguna ng aming bagong Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, patuloy naming hatid ang pinalawak na mga benepisyo. Ayon kay PCEO Dr. Mercado: "Ang PhilHealth ay kaisa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa hangaring maging malusog ang lahat ng Pilipino. Kaya ang aming pangako sa lahat ng miyembro, tuloy-tuloy ang serbisyo, palalawigin pa natin ang inyong benepisyo."
Sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng PhilHealth sa nakalipas na 30 taon, taos puso po namin kayong pinasasalamatan
PAALALA
Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 50% adjustment, mag-login sa www.philhealth.gov.ph. Maaari rin kayong tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662- 2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!
Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968- 8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click- to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.
Para sa listahan ng mga contracted hospitals:
https://www.philhealth.gov.ph/partners/ providers/facilities/contracted/
Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588
PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS

Comments