ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 1, 2024
Photo: Daniel Padilla - IG @supremodp
First time humarap ni Daniel Padilla sa press people magmula nang mag-break sila ng 11 years girlfriend na si Kathryn Bernardo sa mediacon ng Incognito.
Ang Incognito ay ang action serye niya with Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Baron Geisler at ang isa sa mga hottest love teams ng taon na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Ang lakas ng dating ng mga action scenes ng bagong action seryeng ito ng Star Creatives.
Natanong si Deejay kung papa'no siya nakumbinse na gawin ang nasabing action serye samantalang mas napapanood siya ng mga fans sa mga romantic and comedy project. Ani Deejay, “Iba ito sa mga una ko nang nagawa. It’s a new for me and masaya ako dahil ibang experience ito para sa ‘kin.”
Aniya pa, “Puwede ko na rin itong ipakita sa aking ama na isa ring kilalang action star.”
Ang Padilla pamilya kasi ay kilala bilang mahuhusay sa aksiyon. Tulad ng ama ni Deejay na si Rommel Padilla, lalung-lalo na ang tiyuhin niyang si Robin Padilla. Si Robin ay mas nakilala sa aksiyon na may temang pa-comedy pa.
Napag-alaman din namin na sina Ian at Richard ang nag-convince na gumawa sila ng aksiyon.
May trivia pa ring sinabi si Richard. Aniya, nagkita sila sa isang party at nagkausap. Nabanggit daw niya kay Deejay na "Gawa tayo ng aksiyon one time."
Hindi raw akalain ni Richard na matutupad agad 'yun.
Anyway, ang agang natapos ng mediacon ng Incognito. Hindi na kasi nagpaunlak ang ABS-CBN na mag-one-on-one interview ang mga lead stars.
Ang dami tuloy nanghinayang lalo na at hot topic ang dalawang actors na sina Deejay at Richard.
Iginalang naman ng press people ang desisyon ng network.
Well, sana sa next mediacon nila ay pumayag na silang mainterbyu ang kanilang mga
artista.
Unang mapapanood ang Incognito sa January 17, 2025 sa Netflix. Mapapanood din ito sa iWantTFC at sa free TV.
First time ring napanood ng all cast ang pinaghirapan nilang action serye na ang ibang eksena ay sa Italy pa kinunan.
Lahat sila ay na-amaze sa trailer na ipinakita dahil sa ganda ng pagkakagawa.
Komento ng netizen, “Ang ganda!!!"
"Bagay si Daniel sa action, in fairness. At least solo era na s’ya, hindi puro pakilig lang. Galing na galing silang lahat talaga kay Daniel sa action. Angas nu'ng Kaila sa action scenes, pero 'yung pagtakbo, takbong mahinhin. Hehehe!”
Pansin naman ng isang commenter, “Ba't parang nalosyang na si Daniel? Dapat dito, nagpapaguwapo, eh.”
"He definitely lost his shine.”
Jampacked ang concert ni JK Labajo na ginanap last November 29 sa MOA Arena.
Napakasimple ng concept na ginawa ni Direk Paolo Valenciano. Ang suwerte ng mga taong nasa labas ng MOA Arena dahil nakita nilang kumakanta si JK.
Nakipagsabayan talaga ang former The Voice Kids (TVK) product sa mga may concert din na may big names that night.
Guest ng singer sina Janine Berdin, Gloc 9, Moira dela Torre, Zid, at si Paolo ng Ben & Ben.
Komento nga ng aming colleague na si Jojo Panaligan, “Maraming pinalagan na concert norms si JK Labajo tonight na mapapailing ka na lang habang nakangiti at binabalik-balikan ang mga kaganapan, on your way out and home. What an artist. Matapang.”
Marami rin kaming narinig nang maglabasan na ang audience after the show.
“Grabe! Iba ang atake ni JK. Made na nga s’ya as a good performer.”
“He’s a versatile artist. Walang-wala 'yung isang kasabayan niya noon sa The Voice Kids (huh, sino kaya ang tinutukoy nila?)"
Anyway, congratulations, JK and Nathan Studios Team na producer ng first major concert ng singer.
Comentarios