top of page
Search
  • BULGAR

Ala-Ice at Jake Zyrus… IAN, TANGGAP ANG TIBONG ANAK

ni Mercy Lejarde - @Talkies | June 10, 2022



Bilib si yours truly sa isang amang macho at tipong astig na tulad ni Ian Veneracion 'coz tanggap niya na ang isang dyunak niyang babae named Dids ay maihahanay sa mga katulad nina Charice Pempengco at Ice Seguerra na belong sa LGBT community, as in lesbian or in Tegeylog… tomboy.


Eldest daughter ni Ian si Dids.


Sa isang interview with Ian, binalikan nito ang alaalang 16 years old pa lang daw si Dids ay kinakitaan na niya ng katomboyan-ek.


“Sabi ko sa kanya, never ever be apologetic about your preferences. Even with me, don’t apologize. It has nothing to do with intelligence. It has nothing to do with sense of integrity. Has nothing to do with anything. Actually, it’s just preference,” katwiran ni Ian V.


And he even added, "Bata pa lang si Dids ay nakita ko na ang mga senyales ukol sa tunay niyang kasarian.


"Sobrang athletic niya. Brusko talaga siya. She enjoys running, wrestling, football, stuff like that.”


Well, wala namang masama kung belong man sa katomboyan o kabadingan ang isang anak 'coz nu'ng palubugin ni Lord ang barko ni Noah ay sinabi muna nito ang mga katagang… "Bring with you all kinds of animals ACCORDING TO EACH KIND.”


And we as human beings are considered as the highest form of animals, so we are animals ACCORDING TO EACH KIND kaya hindi lang tao ang may kasariang tomboyita or baklita kundi pati na rin ang ilang hayop like pusa, aso, pati seafood, etc., sa true lang.


Si Donya Lolit Solis nga, nasabi niya noon sa amin na gusto niyang magkaroon ng apong bakla dahil ang mga ito raw ay mapagmahal sa magulang.


'Yun nga lang, tipong hindi effective kina Ice Seguerra at Charice Pempengco at Rustom Padilla ang pagladlad ng kasarian.


Kasi buhat nang gawin ni Aiza na Ice ang kanyang first name ay tipong parang yelong lumamig ang kanyang showbiz at singing career.


Si Charice naman, dapat ginaya si Tina Turner na hindi pinalitan ang name dahil ayan, nabantilawan din ang kanyang career.


Si Rustom Padilla naman, ayun, ini-enjoy na lang ang kanyang kasarian ngayon sa ibang bansa at wanna siya care kung anuman ang sabihin ng ibang tao.


Eh, tipong maligaya naman sila sa kanilang paglaladlad ng kasarian 'coz may saying that goes… ACCEPT THINGS AND PEOPLE AS THEY ARE… boom, ganernn!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page