top of page
Search
BULGAR

Ala-Heart at Pia… SOFIA, TINRAYDOR DAW NG STYLIST, MGA RAKET, KAY MAX IBINIBIGAY

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 2, 2024



Photo: Sofia Andres at Max Collins - IG


Kamakailan ay may ipinost si Sofia Andres na naghiwalay na sila ng stylist niyang si Steph Aparici na itinuring niyang kapamilya.


At nang mabasa ito ng may-ari ng Amberlyn’s Cake na nag-i-sponsor sa aktres kapag may okasyon ay nag-message siya kay Sofia kung ano naman ang experience niya sa nasabing stylist.


Kaya naman nanawagan si Sofia sa mga clients na hindi pa niya naipo-post ang products nila dahil wala siyang alam tungkol dito.

Naulit na naman ang post ng aktres kamakailan na kulay black ang background ng mensahe sa kanya ng kliyente na hindi niya pinangalanan.


Sabi rito, “Pero she gave terms before na advanced payment then she gave amount. Then when we asked if the check will be under your name, sa kanya na lang daw.”


At dito na nagsabi si Sofia sa post niya, “This will be the last that I will be talking about this. It’s really painful for me because I have treated my friends as family. My friends will know that… I will really fight for them to death no matter how it will affect me.


“‘Yung mga taong tinulungan mo from the very start….


“Mga taong akala mo nagmamahal sa ‘yo nang totoo. Itinuring mong kapatıd, kaibigan. Iba’t ibang klase ng suporta nagawa mo na.


“It is also important to trust the vibe & not by blood. It will never be enough to people who are not genuinely happy for you. Iba’t iba ang mga tao talaga. Life is not always fair but it’s still beautiful.


“God is still on my side & thank you Lord for the never ending support, the unconditional love, for protecting me & the blessings coming my way.”


Nag-follow-up naman ang Showbiz Update host na si Ogie Diaz tungkol sa isyung ito na mapapanood sa YouTube (YT) channel nila kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.


Sey ni Ogie, “Alam mo bang hindi lang sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang nagkakaparinigan, maging si Sofia Andres at stylist niya dati, na talagang super friends n’ya ‘to na si Stephanie, naloka na lamang daw (Sofia) at ito’y nakarating lamang sa ‘tin, ‘no?


“Naloka na lang daw si Sofia Andres kaya hayan oh, (ipinakita ang post) sa IG, hayan, naglabasan na. Ang ugat pala nito ay ‘yung stylist niya na ang pangalan nito ay Steph at naloka na lang daw itong si Sofia na wala nang kumokontak sa kanya.


“‘Yun pala, ‘yung Steph, ang ginawa n’yang ‘Sofia na bago’ ay si Max Collins.” 


“Doon na siya nag-style,” tanong ni Mama Loi.


“Oo, at the same time, binibigyan n’ya ng raket. Ang mga raket daw at mga endorsements na ipinagkakatiwalang brands kay Sofia ay nandu’n na kay Max Collins,” dagdag ni Ogie.


“Ay, katulad ng kay Heart Evangelista na um-attend siya ng fashion shows,” sey naman ni Mama Loi.


“Oo, saka ‘yung mga connections and contact numbers, ‘yun, nandu’n na kay Max Collins.


“Oo, ‘yan ang nakarating sa atin kaya manong linawin ‘yan nu’ng Steph at ni Max Collins, ‘no?” diin ni Ogie.


Sa nasabing report ay ipinakita ang mga larawang magkasama sina Steph at Max Collins sa mga events.


“Kung sakaling totoo ang claim ng kampo ni Sofia Andres na kinuha ‘yung mga contacts at ang ine-endorse na lang sa mga contacts ay si Max Collins ay hindi magandang ugali!


“Kung totoo man ‘yan, katapusan na ng career ‘yun nu’ng Steph. Hindi magandang ugali ‘yan na ‘yung mga contacts ni Sofia ay ibibigay mo sa iba,” paliwanag ni Ogie.


“Eh, bakit daw ginawa ‘yun ng Steph, ‘Nay?” tanong ni Mama Loi.


“‘Yun nga, nagtataka nga raw itong kampo ni Sofia Andres. Ano raw ba ang masamang ipinakisama nila rito kay Steph para s’ya ay i-under? Or trabahuhin sa ilalim. Kaya baka ang mag-away pa nito ay sina Max Collins at Sofia Andres,” sey ni Ogie.


Singit ni Ate Mrena, “Kuya, parang sina Pia (Wurtzbach) nga at Heart.”

Sabi pa ni Ogie, nakarating sa kanya na na-trauma si Sofia sa nangyari.


“Eh, parang magkasama pa sila sa Bible-Bible study (Sofia at Steph). Tapos, ito raw si Max Collins ay parang sinasabihan yata si Sofia ng, ‘Sana, ‘wag na lang siraan si Steph kasi nagtatrabaho lang naman ‘yung tao.’


“Sabi sa ‘kin ng kamag-anak ni Sofia, ‘S’ya pa ‘yung playing victim,’ si Steph, kaya hindi nila alam kung ano ang kuwento ni Steph kay Max kaya si Max, ipinagtatanggol naman si Steph.”


Ang ikinaloloka pa raw ni Sofia, sa kanya hinahanap ng mga brands ang mga hiniram daw niyang damit na kay Max naman pala ibinibigay nitong si Steph. Kumbaga, name ni Sofia ang gamit pero si Max daw ang nakikinabang.


Bukas naman ang BULGAR sa panig nina Steph at Sofia Andres tungkol dito, kasama na rin si Max Collins bilang involved din siya sa gulo ng dalawa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page