top of page
Search
  • BULGAR

Ala-Chloe at Carlos daw… KOBE, BABU SA BASKETBALL, NAG-SHOWBIZ PARA 'DI MAHIWALAY KAY KYLINE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 4, 2024



Showbiz News

Marami ang nagsasabing malaki ang impluwensiya ni Kyline Alcantara sa nobyo niyang si Kobe Paras. Sa halip na ang basketball career ang tutukan ni Kobe dahil dito siya magaling, heto at nakumbinse na rin siya ni Kyline na mag-artista upang magkasama sila nang madalas. 


Kaya naman naisasantabi muna ni Kobe ang paglalaro ng professional basketball, isang bagay na labis na pinanghihinayangan ng kanyang amang si Benjie Paras. Sobrang proud pa naman si Benjie noong naglaro si Kobe sa isang team sa USA.


Anyway, kahit papaano ay kikita rin naman si Kobe sa kanyang pag-aartista. Puwede rin siyang maging ramp at commercial model. 


Marami ang nagsasabing sobrang in love si Kobe kay Kyline at halos ayaw na niyang maghiwalay sila. Kaya naman, ikinukumpara sila ng mga netizens kina Carlos Yulo at Chloe San Jose. Mahal na mahal ni Carlos ang nobya niyang Australian, kaya kahit bina-bash sila ay hindi nagpapaapekto ang una. Walang sinuman ang makakapagpahiwalay sa kanila. 


Kinikilig naman ang mga fans sa sobrang ka-sweet-an nina Kyline at Kobe dahil naging inspirasyon nila ang isa’t isa.


 

PARE-PAREHO palang sa Batangas tatakbo ang mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano at Ryan Christian Recto. 


Ang Star for All Seasons ay kakandidatong gobernador, kaya umatras na si VG Marc Leviste sa nasabing posisyon. 


Sa pagka-vice-governor naman kakandidato si Luis Manzano at si Ryan Christian ay sa pagiging congressman sa isang distrito ng Batangas.


Ang unang sabak noon ng Star for All Seasons ay sa pagiging mayor ng Lipa City. Ilang taon din siyang naupo sa nasabing posisyon. Malaki ang tiwala ng mga Batangueño kay Ate Vi dahil nakita nila ang kanyang naging serbisyo noon sa Lipa City. 


Napakasipag niyang public servant, kaya nakikita nilang magiging mabuting public servants din sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto. 


‘Pag may kalamidad, laging dumadamay at tumutulong sina Ate Vi, Luis at Ryan sa mga kababayan nilang Batangueño.


 

SERYOSO at hindi na mapipigilan pa ang aktor na si Phillip Salvador sa desisyon niyang tumakbong senador sa 2025 elections. Sumama siya sa partidong PDP at kapartido niya sina Sen. Bong Go at Sen. Bato Dela Rosa. 


Si Sen. Robin Padilla ang pangulo ngayon ng PDP (Partido Demokratikong Pilipino). Marami sa mga nahalal na senador at kongresista ay kaanib ng PDP. 


Samantala, marami naman ang nagtataka kung bakit ngayon lang naisipan ni Phillip na tumakbong senador. Bakit hindi noong panahon na nakaupo pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang mas malaki sana ang tsansa niyang manalo? 


Anyway, tiyak naman na hindi pababayaan ng kanyang mga kasamahan sa PDP si Phillip, at ganoon din ng kanyang mga BFF na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Sen. Jinggoy Estrada.


 

Limang dekada na sa showbiz ang veteran actress/host na si Coney Reyes, pero hindi pa rin bumababa ang kanyang kasikatan.


Kinukuha pa rin siya sa mga TV series ng malalaking networks, at may offer din sa pelikula. 


Nananatiling mataas ang respeto ng madla kay Coney. Ginagawa siyang ehemplo ng ibang kabataang artista ngayon tulad nina Kyline Alcantara at Kate Valdez na kasama niya sa seryeng Shining Inheritance (SI). 


Ginagalingan ng mga young Kapuso stars ang pag-arte kapag kaeksena nila si Coney. 

Well, kakaiba ang role na gagampanan niya sa serye, magkakaroon siya ng dementia, kaya hindi malaman kung kanino niya iiwan ang kanyang negosyo at kayamanan.


Samantala, isa sa madalas na itanong ngayon kay Coney Reyes ay kung may sey ba siya sa love life ng anak niyang si Pasig Mayor Vico Sotto. Nasa tamang edad na si Vico at kailangan na nito ng katuwang sa buhay. 


Well, ever since raw ay hindi nagtatanong at hindi nakikialam si Coney Reyes sa love life ng kanyang anak. And so far, wala pa naman daw itong ipinakikilala sa kanya bilang nobya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page