top of page
Search
BULGAR

Aktres, tinanong tungkol sa anak ni Francis M… JULIUS AT TINTIN, BINASH DAHIL KAY KATHRYN

ni Beth Gelena @Bulgary | October 27, 2023


Naba-bash ang mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola dahil umano sa pagsawsaw sa isyu ng kontrobersiyal na anak umano ni Francis Magalona na si Franchesca Rait.


Nasakote kasi ng couple si Kathryn Bernardo sa isang event.


Hiningan nila ng mensahe ang aktres kung ano ang masasabi nito na super idol daw siya ng newbie star na si Cheska.


Nagpaunlak naman si Kath. Aniya, "Oh really? Maybe someday. Good luck to showbiz road, Franchesca. Always be kind and enjoy the journey now. Yeah and hope to see you soon."


Komento naman ng mga netizens sa mag-asawa, "Manager na ba ang peg ng Babao???"


"Naging mababaw na ang mga Babao. Ang bakya na nila."


"This Babao couple again."


"Grabe, nag-effort pa talaga ang Babao couple sundan si Kathryn sa isang event para manghingi ng video greeting."


"'Kakaloka. Pati si Kathryn, ginagamit. Ano namang paki ni Kath du'n?"


"I agree…there’s no need for that."


“Franchesca M pero gusto raw makilala sa own identity niya."


'Yun na!!!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page